Ad space available
reach us at [email protected].
Major update has been completed. Please help to report any abnormality that you are facing (in case there is any) to [email protected] . Thank you for your continued support guys!

PTE Academic

Estimate ko 3 weeks lang talaga yung review ko pero nasa 6-8 hours a day naman ang review ko. Hindi na ako nagbayad ng for mock test dahil guys ang daming sites na may free ang mock test pwede nang pang practice yun. Plus may mga sectional na mock test din kung gusto mo lang sa speaking or reading, etc magfocus. Nasa link sa baba yung link ng mga website na pwede niung gamitin sa pagrereview. Di mo kailangan gumastos pa dahil costly.

Know every task, parang CE board exam lang. From 63 score last 2020, 73 score ko na this April 2022. Nagpapasaamat po ako sa mga nagpopost din po dito sa Pinoy Au sa mga tips and tricks.

Tips and tricks for each task:

  1. Read Aloud (Important)- 6 items approx. Smooth pace lang ng pagbigkas sa mga words. Pay attention din sa mga words na pwedeng pagisahin like 'it is' - itis and yung mga may 'tion'- syon sa dulo like nation- nasyon. Practicin na habang nagsasalita ay medyo nakangiti para nakarelax yung bibig at confidence kang nagsasalita. Kapag nagkami, keep going lang. I think may 2-3 akong naibang words pero tinuloy2 ko lang para di bumaba sa fluency and kiniclick ko yung next after 1 sec para tingin ko factor din yun sa fluency.

  1. Repeat Sentence (Important) - 10 items approx. Para sakin effective sakin yung at the first half ng sentence, sinusulat ko siya in few letters, then yung last half, minememorise ko siya. Bago mag prompt. Yung minemorise ko binibigkas ko ng 2 beses tapos tingin sa prompter kung magsisimula na ako magsalita tska ko sasabihin yung nakasulat na 1st half at maaalala ko yung secknd half. Medyo mahirap siya pero need lang practice. May mga words din akong mga di nasabi. The more words na maaalala mo the more chances of winning. 😅 Ang gaming at paramihan ng words na mabibigkas. Kapag may di ka matandaan na words sa gitna try to say 'something' para tuloy2 parin ang rhythm at practicin na after mo mabigkas, in one sec, click mo agad yung next para din factor sa fluency. Ito pal yung link na sinunod ko.

  1. Describe Image - 4 items approx. Sinunod ko din yung template.
    "The given image is about an interesting topic base on many different categories.

Firstly, we can see that the image can show major points which connect to our society, it is fair to say that it is important.

Finally, KW1, KW2,....."

Ang tips ko lang habang may 30-35 sec remaining isulat ko na sa notepad. In few letters like "T giv img is abt an int top bsd on mny dif cat. 1, we c s img maj pnt wc con t soc, SIIF imp Fin,". Dapat mabilis ka magsulat sa unang item then tingin sa image kung anong pwede mong mabigkas sa image. Binasa ko na lang yung mga nakasulat. Ang mahirap kapag walang nakalagay na words. Kung konti lang nakalagay, medyo bagalabg ang pace nagpagsasalita. Practice makes permanence. Do it 20 times per day para mamemorise mo yung template. Ito pala yung link na sinunod kong template.

  1. Retell Lecture- same template with DI, papalitan mang yung image ngg lecture. Write as many words as you can then try to recite all the words after the lecture.
  2. Fill in the blank- Reading & Writing (Important) Di ako magaling dito ang tips lang talaga intindihin yung buong paragraph at pilitin yun choice na related sa paragraph. Nasa link na ito yung approach na ginaya ko. Sabi nila kung ano yung maganda rin pakinggan with is tama at halos madadaling words lang ang usually na tamang sagot.

  1. Fill in the blank- Reading. Bago piliin yung nasa pool intindihin muna ang buing paragraph. Then tska ka magdecide ng kung anong words ang gagamitin.
  2. Multiple choice multiple answers-Reading - Basahin muna ang tanong at mga sagot. Tapos look for the key words sa buong paragraph then dun magcheck kung anong tamang sagot. Yan ang pinaka mabisang paraan para makita agad ang tamang piliin. Wrong answer means -1 deduction points kaya kampanti na kang ako sa isa ko ng sagot para hindi ako maminusan.
  3. Multiple choice single answer-Reading- same thing with multiple choice multiple answers.
  4. Re-order paragraph- Di ko rin ito masyado gamay pero ang approach na ginawa ko ay nasa link na ito. Kung saan marami syang sinabing pwede iconsider para magmatch ng sentences.

  1. Multiple choice multiple answer- Listening- Pay attention lang siguro sa mga choices habang nakikinig, yun pang talaga ang the best tip.
  2. Multiple choice single answer- pareho lang sa multiple answers.
  3. Select Missing words- madali lang ito medyo, abangan lang habang magend yung prompt.
  4. Highlight incorrect words- pinaka enjoy na task kasi madali lang.
  5. Word For Dictation (Important)- Ito mahirap talaga pero kailngan lang ng practice. Tip ko: Magpractice ng 40 sentences per day talaga. Life saving din yung technic na 'write everything' dahil walang minus kapag may dinagdag kang words. Kaya kapag di ka sure kung may 's' or 'es', isulat mo pareho. Example: decide decides play plays. Okay lang yun. Walang bawas yun. Ito pala yung link na pinanood ko. Panalo ito.

Set niu na magmock test every week para maaccess nio yung review niu. Then sa last 2 weeks, araw arawin niu magmock test. Para mafamiliarize kau sa type of tasks. Pansin ko lang, halos puro below 60 yung mga nagiging score ko sa mock test pero baka dahil sa head set lang ang ginagamit ko pero yan ang naging result ng pte ko po. One thing din na kailangan mo ay yung time management dahil pwede maubos ang oras mo sa listing at reading dahil may mga time limit yun. So kailangan alam mo kung ilang minuto ka dapat magsagot every question. Isa pa sali din kau sa telegram ng UniApe dahil isasali kau sa mga repeated question predictions weekly and monthly. Kaya niu yan, kung nakaua ng iba, kaya ko rin. Kung nakaya ko, mas kay niu dahil di naman ako magaling magenglish kaya nga pte pinili dahil, kailangan lang practicin ang mga task.


During the exam, do not doubt yourself anymore. Tiwala sa nareview mo, whether ur not ready or ready. Be confidence lang sa pagsagot.

Best time aim high for higher grade. Aim for 80 or 90, para kung sakali man hindi mo maabot atleast mababalang doon at pasado. Dont just aim for 60 kasi may tendency na bumaba ang score mo kaya aim higher palagi. Practicin niu din syempre ang paggamit ng notepad. Ang notepad, bibigyan kau ng parang laminated na booklet size approx. 15x6 inch then bibigyan kau ng 2 white board marker. Sa mga pasmado ang kamay dyan katulad ko, medyo mahirap lang makapagsat dahil nababasa ang susulatan kaya, practicin niu din lalo na sa DI, RL. Dun lang naman niu magagamit yun eh.

Finally, Always pray kada magrereview. Its okay kung di mo namimeet yung need mong scores sa mga mock test, just keep going. One step at a time. If you have questions, you can make a comment here. Looking forward in answering your questions.

Sign In or Register to comment.
LATEST 10 ACTIVE DISCUSSION THREAD
angel_iq4

Qatar

most recent by hhm9067

angel_iq4

Migration

most recent by Cerberus13

Welcome to Pinoy AU Community!

The longest running Pinoy-Australian Forum site in the history. We are connecting Pinoys "in" and "to" Australia since 2010! If you want to join in, click one of these buttons!

Categories

Random Members
(55321)

JaredingBilogerueenrtsevillaMasf11_felicianocrithopeful39Weng71OuidaOlneykristyquitabt99qaAUG_Philippinesben26auyeahicomanmanyaturperCheryllleaddies21varymalyzon
Browse Members

Members Online (5) + Guest (114)

fruitsaladonieandreseel_kram025thegoatfmp_921

Top Active Contributors

Top Posters