ako po ay nagbabalak na mag apply para sa Sub-Class Visa 485, or Temporary Graduate Skilled Visa. Kakatapos ko lang po ng Diploma in Interactive Digital Media sa TAFE dito sa NSW.
ngayon ang hawak kong visa ay sub-class 572, kaya dapat matatakan ako ng visa 485 para maka-stay ako sa Australia for another 18 months. ang unang pinakamahalagang step para maka-transition ako sa visa 485 ay mag-nominate ng isang Occupation at magpa-assess.
ang napag desisyunan kong Occupation na ino-nominate ay
"Graphic Designer". ang ganitong Occupation ay ina-assess ng VETASSESS.
para daw makakuha ng positive assessment from VETASSESS for "Graphic Designer", ito ang requirement:
meron naman akong Bachelor Degree galing sa UST na Communication Arts or MassComm, batch 1996 ako.
meron din akong Diploma in Interactive Digital Media ngayon dito sa TAFE NSW.
pinagsama ko ang mga Transcript ko from my Bachelor Degree and my IDM Diploma para i-submit sa VETASSESS.
anyone have any idea kung medyo maganda ba ang chances ko na makakuha ng positive assessment?
Ito nga pala ang description ng "Graphic Designer" galing sa ANZSCO:
iniisip ko kasi na baka pumasa ako sa assessment on the grounds na naging "
Film and Video Graphics Designer" (na sinasabi nilang "Specialisations" ng Graphic Designer) naman talaga ako, at yung mga subjects ko sa IDM tsaka sa MassComm may pagkatugma sa occupational description ng ANZSCO at sa pagiging "Film and Video Graphics Designer".
nagbabakasakali lang ako na baka may master dito na dumaan na dati sa mga circumstances na medyo kapareho ng sa akin ngayon.
Thanks and happy new year!