Hi po!
Meron na po ba naka Visa 402 sainyo dito?
Totoo po ba na after 1 year makakapag-apply na ng PR? Anong visa po nun yun?
Ganito po kasi ang kwento namin (sana po hindi kayo mainip at basahin nyo pa rin)
Student Visa po kami since December 2012.
First pong tinake ng husband ko, Advance Diploma in Accounting. Kaso hindi po siya nakakuha ng Local experience, nagland po siyang job as Cook sa isang restaurant. Ang sabi po samin ssponsoran siya. So after po ng Accounting matapos, nagaral po siya ng panibagong course which is Diploma in Hospitality. Ngayon po tapos na po siya this july at ang visa naman po namin ay matatapos na this august. Ang sabi mo ng boss ssponsoran siya if he's willing to pay $50k. Kami naman po dahil walang ganun pera, wala po kami magagawa kundi magdecline.
Ang advice po samin ng agent is, magaral pa ng Certificate iv in Commercial Cookery para dagdag qualification and more work experience pa. So yun na po.
Dito po dumating bigla yung, may nagoffer po samin ng visa 402. Sabi nya after 1 year PR Na kami. Totoo po ba yun? Kung opo, anong visa po nun yun?
Sana po may sumagot.. Salamat po