Hi all pwede po ba magtanong dito tungkol sa Australian Citizenship Application?
Sa mga nakapag apply na, paano niyo po finillupan ung section sa form about "Countries lived or travelled since age 18 years of age"?
Nagtrabaho po ako sa Singapore at in & out ako doon dahil nagpupunta ako sa Malaysia or Indonesia on weekends to visit family . Bukod pa don ung mga bakasyon sa Pilipinas at sa iba pang bansa.
Lahat po ba ng visits kahit 2 day lang e.g. sa Malaysia at Indonesia, iiinclude pa sa application?
Maraming salamat po.