Hello po,
I've been reading a lot dito po sa forum about OEC. So, I'm now stressed. Kung meron po sa inyo na TSS 482 Visa holder na naka big move na sa AU, can you share po your experience. I have an assistance for Visa via immigration law firm, so granted na ung visa. Then, nagbabasa ako here sa forum, need pala po ng OEC bago maka exit sa PH. Parang base sa mga nabasa ko, since direct hire, hindi ako dumaan sa POEA. If hired kasi through agency, ung agency ung nagpprocess ng OEC. So since direct hire nga ako, need ko i-DIY ung OEC. May POLO pa na need yata puntahan or contakin ng employer sa AU to verify my employment, the outcome of which is the Endorsement Letter na need ko naman para on my side here sa Pinas maprocess ko ung OEC with POEA. Na, nakaka hassle sya talaga... Kasi I was advised by the lawyer na magresign na ko once na-grant ung visa. So nung na-grant, nagresign ako agad... then binook na ko ng employer ng flight pa-AU a month after kasi I have to still observe the 30-day notice period. Ang worry ko is, baka angtagal ng processing ng OEC dito sa side ko, tapos baka hindi pa lumabas ung OEC ko eh flight ko na... tapos wala pa ko sahod kasi resigned nako and nakahold ang last pay until clearance is processed. Thank you po sa inyo....
NSW STATE SPONSORSHIP 2024~2025
most recent by fmp_921
AUSTRALIAN CITIZENSHIP TIMELINE
most recent by lashes
Architect - Applying as Architectural Draftsperson
most recent by Archjess0309
most recent by Anino78
most recent by brainsap
most recent by Caathy
General Skilled Immigration Visa - Step By Step Process
most recent by whimpee
VICTORIA STATES SPONSORSHIP 2024-2025
most recent by casssie
Employer Sponsored Thread FY 2024 _2025 Discussion Group
most recent by Ozdrims
The longest running Pinoy-Australian Forum site in the history. We are connecting Pinoys "in" and "to" Australia since 2010! If you want to join in, click one of these buttons!
Comments
Posts: 86Member
Joined: Apr 05, 2022
Good eve. Congrats on gaining a 482 Visa!
Na discuss mo na ba with the employer regarding the OEC and kailangan nila na magpa verify sa POLO ng mga documents mo? If first time nila maka encounter with that, mas mabuti pa mag usap kayo ng employer mo para maintindihan nila. Coz, tulad ng experience ko, first timers ng company na maka encounter na may na employ sila na Pinoy na humingi ng POLO Verified documents for processing. Kasi sa pagkakaalam nila, once may visa ka na, good to go na. When in fact, kailangan pa ng exit documents dito sa Pilipinas.
If they are already working on it, good for you. Patience lang konti kasi ang embassy sa Canberra sometimes walang tao (closed ang embassy dahil may nag positive last time I heard), may papasok lang para kumuha sa documents at idrop off sa post office. If you can still extend sa work mo, baka payagan ka. Based sa feedback ng mga tao mas mabuti kung di ka sa main office (NCR) kumuha ng OEC. Punta ka sa Regional offices kasi hindi by appointment ang pag file. Walk in lang ok na.
Also, inform muna ang employer mo na baka may slight delays sa pag arrive mo dahil may exit requirements kang kailangan. Hopefully maka tulong din yung migration law firm na na-tap mo for your visa.
Joined: May 13, 2022
@joninho, salamat. Nung ikaw sir, ilang days ang processing mo for OEC? Ininform ko na sila about it, and they are having talks na inside. Parang nag kakausap sila ng lawyers. Pero sabi ng HR contact ko, it will take them some time to collate the documents required na maverify with POLO. Ironically, ung lawyer na agent na nakuha ng company is Pinay, and apparently, wala rin syang idea daw sa OEC... pero nung I started reaching out sa kanya, andami nyang sinabi na hindi nga raw sila naghehelp pagdating OEC. Pero bakit hindi nya sinabi sakin na kailangan ng OEC, e di sana nung tinanggap ko ung offer ng company, I already have informed them na need nga pa ng OEC... nakakahassle.... sayang ung time. I accepted the offer 20 April... I could have mentioned to them na may need na OEC... (((( Then the visa application was lodged May 3rd.... June 3rd granted na ung visa eh.... and the lawyer, she told me to resign na... oh my goodnes... This is very stressful.... The employer din kasi sa AU they are giving me accommodation for a month and they can't book the accomm kung wala akong flight... so they booked the flight next month na kasi after nga lang ng notice period ko sa current company... and for sure they will be disappointed... the waiting for the visa processing, plus the waiting for me... all costs and accommodation planned.... i am so disheartened... Tapos may nag ka covid pa sa Canberra.... oh dear... i kennat.... please any help, can someone enlighten me.... I have already created e-registration sa POEA, uploaded all the docs that I can on my side... ung POLO verified docs na lang talaga ang kulang... but sabi naman is inaasikaso na nila.... i don't know lang kung ano ung term nila na "it will take them sometime".... pero considering na gumastos na sila for all the visa processing, kasi kasama din wife ko... as secondary holder, siguro naman hindi nila ko bibitawan... i will just wait unemployed, is the worst case scenario.... I'm pretty sure that that Pinay agent lawyer has some idea on OEC... pero di nya lang nabanggit... baka nakalimutan.... I was asking her pa nga multiple times, waiting na lang ba ko hanggang ma grant ang visa, anong steps ang need ko on my side, meron pa bang iba... sabi nya "we will just wait until DHA processes the application".... ganon lang sya palagi... the company I'm in right now, ung pinag resign-an ko na, is a very good company.... hayyy, they have na my replacement, nag tuturn over na kami, and I guess, it's too late to retract the resignation.... i'm so ughhh... IIYAK NA LANG AKOOOO..... ((((((
Joined: May 24, 2022
If you want to take chance, you can consider going to SG or MY as tourist, then go to AU.
You have to present return ticket though to PH immigration to make it legit as tourist.
Posts: 86Member
Joined: Apr 05, 2022
Ako nga eh. Running 3 months na ako walang trabaho. Can't risk it din kasi baka bigla lang mag sunod2 ang pag usad ng processing ko. So waiting na lang talaga ako.
Same din ang scenario with my employer. Sabi nila 1st time na may Pinoy, na starting point ay Pinas, na nang hingi ng ganun na mga documents. Kasi sa pag intindi nila kung may visa na, good to go. Pero di nila ma gets na kasi work visa lang ang hawak natin at di Residency, subjected pa rin tayo sa laws ng Pilipinas. Sinabihan pa nga ako na baka "you're something special" kasi kailangan ko nun. Lol
Mga 2 months din na ganun ang sabi nila. Pero nang nag tanong2x sila sa ibang employers at may nag sabi na ganun talaga process, eh di dun pa sila nag comply.
Wag ka muna mawalan ng pag-asa. Almost there ka na. May visa na, exit requirements na lang kulang.
Kumbaga parang akyat sa bundok. Malapit ka na sa tuktok kaya mas mahirap ang akyatan. Pero it will all be worth it.
Posts: 248Member
Joined: Jul 13, 2017
@jsp pwede din to, I have a friend direct hire din sya sa NZ nagtourist sya sa SG then dumiretso sya sa NZ after. Alam ko mas mabilis ung ganto compared sa kukuha ka ng exit papers from Philippines.
ANZSCO 233211 | Civil Engineer
07.09.2022 VISA GRANT (SC 190 NSW - 95PTS)
09.08.2022 Qatar PCC
18.06.2022 Medicals
10.06.2022 Lodge Visa
19.05.2022 Received final ITA from Skillselect
18.05.2022 Received ITA from NSW and applied the same day
16.05.2022 Created 3rd EOI
27.04.2022 Received ITA from NSW (nasa junk folder kaya diko nakita, ayun expired link!)
12.2021 Created 2nd EOI
09.2020 Created 1st EOI pero na'lock kasi nakalimutan ko password at ung 3 questions KEK
12.09.2020 PTE-A Wife (Proficient)
07.09.2020 PTE-A L83 R90 S90 W90
16.07.2020 Duplicate letter wife
06.07.2020 RSEA outcome
02.03.2020 PTE-A L75 R78 S85 W76
01.2020 - back on track sa AU dream (sana magtuloy-tuloy na!)
12.2017 - 12.2019: 2 years hiatus
11.2017 EA outcome received
08.2017 EA outcome letter wife
Joined: May 13, 2022
@Joninho, ok na OEC mo sir? Kumusta?
Posts: 86Member
Joined: Apr 05, 2022
Hi. Still waiting on the documents from the employer Once meron na nito hopefully dire-diretso na 'to
Joined: May 24, 2022
@jsp and @Joninho
Kamusta na po processing ng OEC nyo? Ask ko lang if yung contract nyo is pinadala ng company nyo (courier) to Canberra or pede scanned copies lang?
Joined: Jun 21, 2022
@kayemee question po, medyo desperate na po ako makaalis ng pilipinas. Na off load po ako sa flight ko last saturday night, kasi hinanapan po ako ng OEC. Honest mistake po, since wala talaga ako alam about sa OEC, and hindi ko alam na considered na pala ako na OFW.
Naka TSS 482 visa ako ngayon sa australia po(student before). Nag emergency vacation lang to visit parents na ma-edad na.
Then nung nasa airport na ako, hinanapan ako ng OEC. And ayun, hindi ako pinalusot sa immigration.
Nakaka stress sobra na rin, kasi hindi magawa ng employer na sila mismo mag process ng Verified Contract sa POLO Canberra. Then nag hihintay na rin trabaho sa australia.
Kaya rin po ba kaya na mag SG ako or other country(with return ticket to PH), then book ako sa SG(or other country) naman ng flight ko going to australia? para sa SG na ako mag "exit"
patulong po sana
maraming salamat po!
Joined: May 24, 2022
One of the option po yung cross country to bypass yung OEC if you want to take a chance. Pero not sure po ako if makakalusot ka since na-offload ka recently. Baka may keep track sila ng record mo.
Posts: 135Member
Joined: Aug 16, 2021
@jsp @Joninho gano po katagal na process nung employer nio ung POLO?
234411 Geologist
18 Nov 2021 : PTE A Results - S90/R72/L80/W73
25 Nov 2021 : VETASSESS - Lodged
30 Apr 2022: VETASSESS - Positive Outcome
6 May 2022: EOI Submitted - WA, SA, NT, VIC, QLD; 190 (75pts) / 491 (85pts)
16 Nov 2022: VETASSESS Reassessment
03 Jan 2023: PTE Retake
May 2023: Big Move to New Zealand, slowly giving up my Australian dreams....
Hiatus >>>
Joined: Oct 08, 2019
Hello po, may valid working visa kana nong time na bumalik ka sa Pinas? Plan ko kase umuwi pag ka kuha ko ng working visa this December buti nabasa ko eto naka idea ako about OEC. Same kase tayo ng situation. Student ako before and now nagaantay lang nga 482 visa grant. May nabasa ako na may exemption naman neto. Pwedi mag walk-in or online application.
ANZSCO 261111 ICT Business Analyst | 189 - 75 | 190 (NSW) - 80 | 419 (NSW) - 90 |
Go for: 186 DE ANZSCO 261111 ICT Business Analyst
Oct 2019 - Started my journey to 🇦🇺🇦🇺🇦🇺 as a SV holder (Diploma and Adv. diploma of IT)
Feb 2020 - Arrived in Au - Thank you Lord!
Oct 2022 - Granted Visa TSS 482 (Medium stream)
Jun 2023 - Start of my PR journey (Thank you, Lord para sa biyaya and opportunity!)
Jun 2023 - Consulted IMES and Immi Visa
Jun 2023 - Submitted all documents for ACS Skills Assessment
Jul 2023 - Submitted additional doco to IMES
Jul 2023 - Lodged ACS Assessment
Sept 2023 - PTE (Proficient)
Oct 2023 - Received ACS positive result after 13 weeks
Oct 2023 - EOI Lodgement
Oct 2023 - Corrected EOI for work experience claimed points
Jun 2024 - 186 DE route
Aug 2024 - Lodged 186 DE + Nomination
Sept 2024 - Medical completed and cleared on DoHA
---Waiting for grant---
-- 2024/25 - Visa Grant
Joined: May 13, 2022
Update lang sa post na to…
Nakuha ko na ang OEC ko… flight ko na sa 23 July.
Need talaga ng OEC for any working visa, kahit san pumunta.
Magjoin po kayo sa Facebook group na “How to Process POEA-OEC for Direcr-Hires”, napakalaking tulong nung mga info duon.
Tsaka mostly sa professional applications like mga TSS482 Visa bound to AU, very smooth lang. Na-rattle lang ako nung una kasi never ko talaga inakala na after ng visa grant, meron pa palang exit clearance, which is the OEC.
Ang maganda, dapat iset sa employer ang expectations na need ng OEC ng visa holder to exit PH, as a direct hire sa AU. Mas maigi isend sa employer ang info ng POLO Canberra for this: https://www.philembassy.org.au/latest/polo, kasi yan talaga ang need sa side nila para maprocess ang OEC dito sa Pinas ng employee. Kapag cooperative ang company, madali lang… once maverify ng POLO ang documents, madali na lang ang steps…
May mga needs lang talagang gawin sa side ni employee, dito sa Pinas, bago mag ka OEC. It was stressful at first, but pwede naman basta nagkakaunawaan kayo ng company...
Swerte rin siguro kasi TSS 482 Visa holder since inisponsoran na ng company ang lahat lahat, hindi na sila magggive up sa employee. May mga cases kasi na sa tagal at daming proseso dito sa Pinas, eh nileletgo na lang nila ung employee, kukuha na lang sila ng iba.
- Valid passport mo (siempre copy lang to kasi nasayo ang original)
- Valid Work Visa (email lang naman talaga to na pinrint diba) so ok lang
- Verified Employment Contract signed by you and the employer
- Addendum to the Employment contract, signed by you and the employer
- Additional Documents to Support Job Application: your CV/Resume, TOR, Diploma, Certificate, combined into one PDF file
- Notarised statement of authenticity ng CV/Resume, TOR, Diploma, Certificate
- Notarised statement on how the worker secured the job
- Contact Details ng Employer or representative or ung signatory sa contract mo...
- Verified Company Profile, business certificate , isama na rin ung Website > About Page
- PEOS (Pre-employment Orientation Seminar) online training lang naman to, and may quick test sa dulo, at the end, mapprint mo na certificate
- PDOS (Pre-departure Orientation Seminar), pwede online, pwede walk-in sa Ortigas, sakin nagwalk in ako para makuha ko na agad ung certificate at the end of the seminar.
- Certificate of Insurance
- Medical Certificate - pero for AU bound hindi ito required kasi kasama na sa Visa application ito
And sa appointment date, do not forget to bring ung Direct Hire Declaration na makikita sa EReg... pwede ifill out un, print and ipanotaryo....
And additiona tip, lahat ng docs, iphotocopy na ng 3 kopya para sure, or even 4 copies....
Sana nakatulong....
Thank you, ready na ko umalis ng bansa.... ))))
Joined: May 13, 2022
@kayemee, ivverify ng POLO , may stamp sila dun then per page may pirma nila. Then issend nila mismo sa email mo ung scanned copy. Once meron ka na nun, OK na mag start ng OEC here sa Pinas.
Joined: May 13, 2022
@jeralds, STRONGLY SUGGEST na before ka umuwi dito sa Pinas, diyan mo na iprocess ang OEC sa POLO Canberra. Mas madali... para bakasyon ka na lang talaga dito. Otherwise, may big risk ng delay sa pagbalik mo.. maooffload pa kugn walang OEC.
Joined: Oct 08, 2019
Thank you sa reply po. Same lang ba yong verification of employment contract and OEC? For example, after ko ma verify yong employment contract ko sa POLO Canberra, may ibang agency pa ba na need ko puntahan or ibang process na need ko gawin para makuha ko yong OEC? Thank you!
ANZSCO 261111 ICT Business Analyst | 189 - 75 | 190 (NSW) - 80 | 419 (NSW) - 90 |
Go for: 186 DE ANZSCO 261111 ICT Business Analyst
Oct 2019 - Started my journey to 🇦🇺🇦🇺🇦🇺 as a SV holder (Diploma and Adv. diploma of IT)
Feb 2020 - Arrived in Au - Thank you Lord!
Oct 2022 - Granted Visa TSS 482 (Medium stream)
Jun 2023 - Start of my PR journey (Thank you, Lord para sa biyaya and opportunity!)
Jun 2023 - Consulted IMES and Immi Visa
Jun 2023 - Submitted all documents for ACS Skills Assessment
Jul 2023 - Submitted additional doco to IMES
Jul 2023 - Lodged ACS Assessment
Sept 2023 - PTE (Proficient)
Oct 2023 - Received ACS positive result after 13 weeks
Oct 2023 - EOI Lodgement
Oct 2023 - Corrected EOI for work experience claimed points
Jun 2024 - 186 DE route
Aug 2024 - Lodged 186 DE + Nomination
Sept 2024 - Medical completed and cleared on DoHA
---Waiting for grant---
-- 2024/25 - Visa Grant
Joined: May 24, 2022
@jsp congrats!
Yung signed contract on all pages, both ikaw at employer ang wet signatures?
Joined: May 13, 2022
Di naman wet. Kahit email lang then ung pirma monlang ilagay mo dun sa baba ng each page ng contract mo. And isend sa employer. Kasama kasi un sa contract na ivverify ng POLO.
Joined: May 13, 2022
Ung verification, iba pa un. Un lang ang need talaga para masimulan ung OEC processing sa POEA. Kasi un ang iuupload mo sa phase 1 eh. Dapat verified na para makapagphase 1 ka na.
Joined: Feb 24, 2022
Wow!!!! Congratulations Sir. Have a safe flight po.
Posts: 86Member
Joined: Apr 05, 2022
@kayemee, sent talaga to Canberra ang documents.
@caspersushi24 ongoing pa process. nag ff up kami sa POLO, di pala sinend ng company ang copies ng visa and passport ko, na sinend ko na sa kanila nang na grant na visa ko. lolz. working on that now
Posts: 86Member
Joined: Apr 05, 2022
Hi guys, update lang sa life ko aside sa buhay pa ako, na tapos na yung POLO Verification sa wakas. Awaiting na lang ma send ang original documents sa akin for OEC processing pero nag start na akong mag upload sa online.
Any tips kung pano ko ma reduce ang 15mb pdf ko na Supporting documents to 5mb? nag-eerror kasi eh pag inuupload ko. Sinagot lang ako ng taga help desk na na kaya ng ibang applicants so gawin ko din. Sila din pala kailangan ng help lol.
Baka may maisheshare kayo na technical knowledge dyan. Would be very much appreciated.
Posts: 981Member
Joined: Jan 27, 2018
I had been using NitroPDF's Optimize PDF feature to reduce pdf sizes... not familiar with other pdf editing apps.
Another method na medyo tedious is to open and import each pdf page in an image editing app (I am using GiMP) as 100 dpi image or less and export back to pdf. Then using NitroPDF combine pages that need to be in 1 file.
++++++++++++++++++++++++
07.2016 | IELTS
01.2017 | Applied to AHPRA
04.2017 | received Letter of Referral
09.2017 | finished BP
11.2017 | AHPRA Registration / Employment Offer
12.2017 | Lodged 457 Visa Application (onshore) / ANMAC Assessment
01.2018 | 457 Visa granted / Received positive ANMAC Assessment / Submitted EOI
04.11.2019 | Received Employer Nomination
04.26.2019 | Submitted Visa application (186 DE)
05.06.2019 | CO contact for medical exams
05.09.2019 | Visa Granted (186 DE)
17.09.2021 | Application for Citizenship
21.03.2022 | Citizenship exam, interview and approval
02.07.2022 | Citizenship Ceremony
(Thank you Lord!!!)
21.03.2023 | Citizenship interview, exam and approval of dependents
++++++++++++++++++++++++
Posts: 86Member
Joined: Apr 05, 2022
Thanks po! But... Just after posting this I found out pwede na man pala sa Adobe na website. They did it for free. Drag and drop lang sa pdf file and voila! 15mb file compressed to 1mb. Hahaha.
Pero bukas ko na ma uupload. Naabutan na ng 5pm. Saklap
Posts: 981Member
Joined: Jan 27, 2018
Ay oo may mga online optimizers nga pala... di lang ako gumagamit because of identity theft concerns specially pag mga documents with personal data.
++++++++++++++++++++++++
07.2016 | IELTS
01.2017 | Applied to AHPRA
04.2017 | received Letter of Referral
09.2017 | finished BP
11.2017 | AHPRA Registration / Employment Offer
12.2017 | Lodged 457 Visa Application (onshore) / ANMAC Assessment
01.2018 | 457 Visa granted / Received positive ANMAC Assessment / Submitted EOI
04.11.2019 | Received Employer Nomination
04.26.2019 | Submitted Visa application (186 DE)
05.06.2019 | CO contact for medical exams
05.09.2019 | Visa Granted (186 DE)
17.09.2021 | Application for Citizenship
21.03.2022 | Citizenship exam, interview and approval
02.07.2022 | Citizenship Ceremony
(Thank you Lord!!!)
21.03.2023 | Citizenship interview, exam and approval of dependents
++++++++++++++++++++++++
Posts: 86Member
Joined: Apr 05, 2022
That is scary. ma try ko nga ung NitroPDF for next time
Posts: 86Member
Joined: Apr 05, 2022
Hi, confirm ko lang, yung medical di na needed kasi may medical na na part sa ating visa application? Working on my Phase II na sa OEC eh. Kinda worried kasi nag expire na medical ko 2 days ago then ngayon lang na approve for Phase II ang OEC application ko. TY!
Joined: May 13, 2022
Sorry now ko lang nakita. Oo di na required satin kasi part na ng visa requirement
Joined: Aug 15, 2022
Hi @jsp congratulations again sa pgtpos mo magprocess would like to inquire and confirm some stuff regarding the phase 1 documents, on my part i am asking the documents needed for POLO verification, but the problem is ayaw i sign ni employer yung addendum to employment contract which is the annex A with repatriation kasi daw they did not as Philippines for my employment, i was directly hired with them, i told them na its a policy of the Philippines, now i looked up online and found the ofw insurance which covers the repatriation concerns, i just tried asking them yesterday if that will suffice, so regarding this, if my employer inssists on not signing the addendum would it be better for me to do cross country? Is it perfectly legal as long as nakaalis ako ng pinas then sa AU ko ayusin yung oec?
Thanks in advance
Posts: 86Member
Joined: Apr 05, 2022
Hi forum,
Update ko lang.
Done na OEC ko. Ambilis. Mga less than 1 hr lang basta kumpleto lang yung mga documents.
Di na rin kailangan ng mga photocopies ng documents kasi original lang kailangan, pang verify lang nila sa documents na sinubmit mo online.
Pagkatapos ko mag bayad ng Processing Fee, may OEC na agad sa Online Services account ko. Print lang ako at least 3 copies pag punta ng airport.
After nun, punta sa OWWA para mag bayad ng membership fee.
Ticket at accommodation na lang mga kabayan. Salamat sa tulong dito sa forum.
Di lang siya informative na group, nagsilbi na rin siyang support group para sa mga kabayan natin.
Update ko lang kayo sa susunod na kabanata.
TC!