Ad space available
reach us at [email protected].
Major update has been completed. Please help to report any abnormality that you are facing (in case there is any) to [email protected] . Thank you for your continued support guys!

Living Abroad... No Turning Back..

24

Comments

  • wizzwizz Melbourne
    Posts: 698Member
    Joined: Apr 17, 2013
    I think nalilihis na nga ang thread na to sa usapan. Indeed, there is no place like home. Pinas pa din ang home natin. Lahat ng pinkapaborito nating tao, bagay, lugar at pangyayari siyempre nasa Pinas pa din. Hindi naman porket nagiiba na ung nakasanayan mo gawa ng pagtira sa ibang bansa ng matagal ibig sabihin non wala ka ng pagmamahal sa Pinas. Yung iba naman dito reality lang un sharing about sa mga bansang natirahan. At reality lang din yung sharing about sa current situation ng bansa natin. As a matter of fact lahat tayo aware sa mga bagay na yun kaya nga tayo nasa forum na to eh. Kasi kung indenial lang din sa reality, I don't think na papasok sa isip ang migration. Just my 2cents. :)

    ANZSCO 149311

    31 May 13 - Vetassess Requirements Acknowledge
    22 June 13 - IELTS Exam at IDP Singapore
    5 July 13 - IELTS Passed
    30 Aug 13 - Vetassess Results - Positive + EOI Submitted
    4 Sept 13 - Initial Contact WA SS
    5 Sept 13 - Invited to apply for WA SS
    9 Sept 13 - WA SS approved!
    12 Sept 13 - Lodged Visa 190
    23 Sept 13 - Medical Examination - SATA Bedok SG
    27 Sept 13 - Medicals Uploaded
    21 Oct 13 - CO allocated (Adelaide GSM Team 6, MN)
    1 Nov 13 - SG PCC submitted
    5 Dec 13 - Visa Granted! To God be the Glory!
    IED: 26 Sep 14

    1 May 14 - Touchdown Perth! :D
    12 June 14 - First day of work. God will always provide. :)

    Psalm 37:4 Delight yourself in the Lord;
    And He will give you the desires of your heart.

  • thegreatiam15thegreatiam15 Sydney
    Posts: 799Member
    Joined: Jan 07, 2014
    @wizz @cholle agree mga bossing...haha

    siyempre no place like home pa din...atleast para sa mga good times...dito tayo lumaki e...: )

    I haven't lost everything except my mind...

  • loudandclearloudandclear Sydney
    Posts: 225Member
    Joined: Dec 16, 2012
    i have a friend who was able to work abroad. he always has something "not good" to say about the phils. and i end up always defending the phils. i just thought maybe mas maa-appreciate nya yung new life nya ngayon sa ibang bansa kung pangit ang tingin nya sa pinanggalingan nya. napaisip tuloy ako, magiging ganun din kaya ako pag nakarating nko sa oz?

    Jeremiah 29:11
    "For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."

  • loudandclearloudandclear Sydney
    Posts: 225Member
    Joined: Dec 16, 2012
    @cholle - agree. i know many who are doing financially well kahit dito sa Pinas nagwwork.

    Jeremiah 29:11
    "For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."

  • thegreatiam15thegreatiam15 Sydney
    Posts: 799Member
    Joined: Jan 07, 2014
    i have a friend who was able to work abroad. he always has something "not good" to say about the phils. and i end up always defending the phils. i just thought maybe mas maa-appreciate nya yung new life nya ngayon sa ibang bansa kung pangit ang tingin nya sa pinanggalingan nya. napaisip tuloy ako, magiging ganun din kaya ako pag nakarating nko sa oz?
    there is a saying nga papi na...galing sa the matrix na movie...

    being the one is different from walking the path of the one...

    sa ngayon sir wala pa tayo sa OZ ako andito ako SG...andami ko na nakita...

    kayo papi pagdating nyo OZ from PH to OZ siguro yung unang 2 years nyo transition period yun...pero malamang yung unang 7 months mamamangha ka kagad...

    yung next 3 months natitira mamimiss mo family mo kasi diyan na papasok ang ber months...

    november - reunion nang mga kamaganak
    december - reunion at kasiyahan pasko salo salo, iba kasi pasko dito SG (malungkot) ewan ko lang sa OZ...: )

    January - new year (walang putukan dito at hindi kasing gulo satin) in short masaya

    pero yung the rest nang pamumuhay mo magtatransform...yung mga events na yan magiging bagay nalang sayo...something to celebrate pero yung life mo in general when it comes to income, way of living at quality nang environment mo.

    for sure babalik ka sa thread na to papi...haha..still gusto ko parin PH kasi dun ako lumake...kung magiging parehas lang sana sa atin at AUS or SG kahit mga 80% pagdating sa sistema at buhay...ang sarap siguro nun

    I haven't lost everything except my mind...

  • JCsantosJCsantos Sydney
    Posts: 1,416Member, Moderator
    Joined: Jan 11, 2011
    i have a friend who was able to work abroad. he always has something "not good" to say about the phils. and i end up always defending the phils. i just thought maybe mas maa-appreciate nya yung new life nya ngayon sa ibang bansa kung pangit ang tingin nya sa pinanggalingan nya. napaisip tuloy ako, magiging ganun din kaya ako pag nakarating nko sa oz?
    Yes, you would.. you would see the big difference...

    Google for Everything !!!

  • loudandclearloudandclear Sydney
    Posts: 225Member
    Joined: Dec 16, 2012
    @thegreatiam15 - thanks for the insights. babalik ako sa thread na to to share my experience hehehe...

    as of the moment, ang nararamdaman ko habang papalipat ang planned flight ko to OZ is magkahalong excitement at nervousness. start of a new beginning, back to 0. feeling ko ang laki ng mawawala sakin (like job stability, financial security kahit papano at health insurance for me & my parents) na sana ma-gain ko agad at ma-multiply hundredfolds (hahaha OA lang) pag nagkawork nako sa OZ. :D hoping for the best. :)

    Jeremiah 29:11
    "For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."

  • thegreatiam15thegreatiam15 Sydney
    Posts: 799Member
    Joined: Jan 07, 2014
    @thegreatiam15 - thanks for the insights. babalik ako sa thread na to to share my experience hehehe...

    as of the moment, ang nararamdaman ko habang papalipat ang planned flight ko to OZ is magkahalong excitement at nervousness. start of a new beginning, back to 0. feeling ko ang laki ng mawawala sakin (like job stability, financial security kahit papano at health insurance for me & my parents) na sana ma-gain ko agad at ma-multiply hundredfolds (hahaha OA lang) pag nagkawork nako sa OZ. :D hoping for the best. :)
    ewan ko lang sir pag financial na paguusapan...kasi sa pinas nasahod lang ako nang 30 pinaka sagaran ko na yun...per month...nung lumipat ako SG minimum dito nasa 80K...para sa profession ko...swerte lang ako nakapagnegotiate pa ako mas mataas first time ko makahawak nang ganung pera...tas laki nang nasasave ko...

    again di parin maikukumpara sa aus nakita ko yung minimum annual para sa profession ko galing na rin sa mga kaklase ko nung college na mga immigrants na agad paggraduate namin kasi mga parents nila...lagi nila ako kinukwentuhan...excited ako..oo pero marami pa akong dadaanang pagsubok..: )

    God knows kung makakarating ako o hinde...hehe

    I haven't lost everything except my mind...

  • stolich18stolich18 Sydney
    Posts: 993Member
    Joined: Feb 15, 2012
    @loudandclear I understand that feeling. I can so relate. hehehe Super gusto ko pa naman ang work ko sa Pinas and feeling ko very stable na company sya, and andon syempre lahat ng friends and family ko sa pinas. But then I took the big leap of faith for my own family especially for my son. Pag naiisip ko pa lang magkano na ang tuition fee ngayon.. Hehehe plus a lot of considerations and prayers lalo na.

    Sobrang iba rin ang culture dito sa Australia. Kaya pag nicompare mo sa Pinas, I'm sure both countries would have its own + and -. hehehe So depende na lang tlga what your priorities are.

    261313 (Software Engineer)

    Feb.15.2012 - started working on ACS requirements
    Mar.02.2012 - submitted online ACS application and sent documents to ACS via Fedex
    Mar.05.2012 - ACS acknowledged actual documents
    Mar.21.2012 - ACS finalised assessment: Suitable
    Mar.31.2012 - IELTS exam with BC
    Apr.13.2012 - IELTS Results (L:8.5 R:7 W: 7 S: 8 OB: 7.5) Thank you LORD!
    Apr.14.2012 - Lodged 175 Online Application
    Apr.20.2012 - Completed Online Attachments
    May.24.2012 - "Application being processed further"
    May.29.2012 - CO Assigned :-)
    Jun.07.2012 - Uploaded NBI Clearance
    Jun.13.2012 - Medical/Health Requirements Finalised
    Jun.14.2012 - VISA GRANT! Thank you, LORD! :-)
    Jun.07.2013 - Initial Entry Date Deadline
    Apr.28.2013 - Initial Entry (Sydney)
    Jun.28.2013 - Verbal Job Offer (Melbourne)
    Jul.08.2013 - First day of Work and first day of child care for my son (Melbourne)
    Aug.21.2013 - First day of Work in Sydney

    "Great is the LORD and most worthy of praise; his greatness no one can fathom." Psalm 145:3

  • peach17peach17 Los Angeles
    Posts: 1,684Member
    Joined: Jan 13, 2013
    nakaka touch naman ito @vhothoy :)
    lalo na yung sa last part na sinabi ni Gat Jose Rizal :)

    ako din, gusto ko pa rin bumalik sa Pilipinas at doon tumanda... :)
    hindi ko alam kung sa ngayon lang ito or magbabago pa ang perspective ko of home
    pero as of now, home for me is Pinas pa rin :)

    Ako naman, for almost 5 years na rin in Singapore i still dont find any personal attachment in this Country. Maybe because my family is still in pinas and im living alone here in SG. Home for me is still going back to pinas and be with my family. In our place in makati and when visiting my late grandmother in Laguna.

    Although I have met and go along with a lot of good peoples here not only pinoy but for other nationalities as well. in general, I still find Singapore a stranger place for me. I still find peoples around, in mrt, in malls, in kopitiams, etc. with less emotions and very serious. Laging naguunahan, makasakay ng mrt, hindi malate sa office, makahanap ng upuan sa hawker, makasakay ulit pabalik sa bahay, unahan sa pila sa sale sa malls, etc . Like a never ending routine. But ofcourse medyo nagamay ko na buhay dito dahil na rin sa paglipas ng panahon. Sabi nga ni Red (Morgan Freeman) sa pelikulang Shawnshank Redemption, medyo na "institutionalized" na yata ako.

    There are lots of food choices here in Singapore. But food choices in pinas, for me is walang katulad. From mami pares sa may washington makati, banana q sa tabing daan, magtataho na may matamis na arnibal, gotong batangas, lutong bahay sa karenderia, andoks, maxx fried chicken, razons halo-halo puto and dinuguan, tsitsaron baboy ng dumagete, ambers pichi pichi and pancit luglog, panutsa at peanut brittle ng mamang naglalako, etc.

    The things na ma miss ko talaga or maalala sa SG is the people that i've met here, salary, shopping, and yung mga memorable and crazy things na nagawa namin ng mga nakasama ko dito. Well maybe the "convenience" and orderliness ng bansang to.

    Im still proud in our country and being pinoy, kahit na mukhang hopeless romantic na talaga na umangat sya at magbago ang pamumuhay or mabawasan ang corruptions sa govt in our lifetime. Kahit na siguro babalik nlang ako sa pinas, exclusively for vacations. Yung pagmamahalan sa pamilya, respeto sa matatanda at pagiging madiskarte at mapagpunyagi ay isang kulturang pinoy na sana mamana ng anak ko. Sabi nga ni Jose rizal, ang hindi marunong lumingon sa pinang galingan ay hindi makakarating sa paroroonan =). I still don't know what the future may bring. But pinas gave me lots of memories na nakatatak na sa puso at hindi ko makakalimutan in my lifetime.

    9 January 2013 Received Favorable Response from EA
    18 January 2013 Lodged EOI Application via SkillSelect
    21 January 2013 Received Invitation to Apply for Visa Subclass 189
    26 January 2013 Lodged Visa Application
    18 March 2013 CO Allocated, Team 34 Brisbane
    14 May 2013 Submitted Form 815
    23 May 2013 Submitted updated Form 815 with new passport details
    03 June 2013 VISA Grant! Thank you Jesus :)

  • peach17peach17 Los Angeles
    Posts: 1,684Member
    Joined: Jan 13, 2013
    @vhoythoy, @theused_15 maganda ang mga sinabi nyo. Ano kaya kung isang tao ang Pilipinas at makakapagsalita.

    Malamang ito ang sasabihin ng Pilipinas "Kayong mga Australian citizens, pwede nyo ng sabihin ang lahat ng masama tungkol sa akin, tutal Australian passport na hawak nyo."

    "Kayong mga PR, pwede nyo na simulan ang panlalait nyo sa akin, ilang taon na lang citizen na rin naman kayo ng Australia. Pero hinay-hinay lang. Para naman kung sakaling magkaproblema at di kayo natuloy maging citizen, malugod ko pa din kayo tatanggapin. Pero ok lang kung sa ibang bansa nyo naman gustong mag-PR."

    "Kayong nagpa-plano pa lang mag-migrate, nasaang stage na ba kayo? Kailangan nyo ba ng school records? Meron kayo ng school records dahil siguro naisaayos ko naman ang educational system di ba? Siguro proud ka naman sa diplomang hawak mo. Kailangan nyo ba ng ITR? Kailangan nyo ba ng NSO copy ng birth certificate? At higit sa lahat, nabigyan ko ba kayo ng passport? Lahat naman siguro ng kailangan nyo, meron na kayo di ba? Pwede ko naman siguro sabihin na dahil sa mga institusyon na nandito kung kaya't meron kayo ng mga kailangan nyo. Ilang buwan na lang siguro may PR visa na kayo. Excited ako para sa inyo. Huwag naman sana sobra ang panlalait nyo sa akin. Alam ko hindi ako perpekto. Marami ka nakikitang mali sa akin. Kung pwede nga kitang pigilang umalis, pipigilan kita. Alam ko magaling ka. Magaling na magaling! Malaki ang tiwala ko na malaki ang maitutulong mo sa pagbabago ko. Pero hindi kita pipigilan. Alam ko may pangarap ka na hindi ko maibibigay. Good luck sa iyo!"

    Heto ang huling bilin ng Pilipinas sa iyo PR visa applicant "Pwede mo na rin ako laitin at itakwil kung masama talaga ako sa paningin mo. Ok lang yun sa akin. Pero kung masama ako sa paningin mo, pwede din siguro maging masama ako sa iyo. Ngayong araw na ito, ika-Cancel ko ang passport mo, masama ako di ba? Ewan ko lang kung ma-approve visa mo kung wala kang passport. O kaya naman hintayin ko makalapag ka na sa Australia, saka ko i-cancel passport mo. Kung ayaw mo sa akin, lalo namang ayaw kitang makitang bumalik. Bwahahahaha!"

    Nice one @StickyNote! :)

    Tama, wag naman natin laitin kung saan tayo nanggaling.
    We may be very lucky to be in our chosen country, but we still have to respect our beloved country, the Philippines. We are still Filipinos by blood after all kahit paikut ikutin man angn mundo hehehe :)

    Ung mga ayaw nang bumalik sa Pilipinas, we respect your choice and opinion. :)

    9 January 2013 Received Favorable Response from EA
    18 January 2013 Lodged EOI Application via SkillSelect
    21 January 2013 Received Invitation to Apply for Visa Subclass 189
    26 January 2013 Lodged Visa Application
    18 March 2013 CO Allocated, Team 34 Brisbane
    14 May 2013 Submitted Form 815
    23 May 2013 Submitted updated Form 815 with new passport details
    03 June 2013 VISA Grant! Thank you Jesus :)

  • peach17peach17 Los Angeles
    Posts: 1,684Member
    Joined: Jan 13, 2013
    I think its more of how we appreciate the learnings from the blog of Rachel Rae (a girl from Iowa) and how to interpret the word "No Turning Back" whether literally (literal na kakalimutan mo na totally ang pinas, as in everything about the country) or figuratively (figure of speech lang, hindi nman sa ganon).

    Sa atin kasing mga pinoy, in general we still have sense of patriotism or to some extent pinoy pride. Minsan nga yang pinoy pride na yan eh tampulan na ng tukso sa internet kasi lagi nlang may pinoy pride kakasawa na or naiirita na ung iba =).

    In my case, iiwan ko ang pinas very soon, to migrate and look for greener pasture on the other side, because i have options and it my choice at this point of my life. And i believe that best thing to do. For the future of my family and para sa sarili ko na din. For me life is never ending journey, so i wouldn't say na last stop ko na ang Australia. But my pride and respect to our home country will still remain forever. I will look forward sa buhay ko sa Australia. Magbabanat ng buto, makikibagay, mamumuhay na pwedeng maging panghabang buhay na. Pero, hey! once in a while lilingon ako sa pinas at kukumustahin ko sya. Magbabakasyon kapag may pagkakataon at budget =). Muling kakain ng isaw at kwek kwek sa kanto, sasakay sa jeep na siksikan at mausok, etc.. Kasi i know everytime na tatapak ako sa pinas, muling babalik ang mga magagandang alala, kahit sama mo na ang mga pangit, For me, there's no perfect place nor perfect people. But i will always be grateful sa Pinas. Always remind me on my humble beginnings.

    Agree! tama @vhoythoy :)
    Let's all be thankful for our country :)
    Matutong lumingon sa pinanggalingan :)

    9 January 2013 Received Favorable Response from EA
    18 January 2013 Lodged EOI Application via SkillSelect
    21 January 2013 Received Invitation to Apply for Visa Subclass 189
    26 January 2013 Lodged Visa Application
    18 March 2013 CO Allocated, Team 34 Brisbane
    14 May 2013 Submitted Form 815
    23 May 2013 Submitted updated Form 815 with new passport details
    03 June 2013 VISA Grant! Thank you Jesus :)

  • thegreatiam15thegreatiam15 Sydney
    Posts: 799Member
    Joined: Jan 07, 2014
    hehe sana may photo section dito...T_T

    para pag dumating naman turn ko magshare sa buhay OZ makapagpost ako pictures...

    maiba naman mga bossing wag naman comparison, kwento naman sana mga sir sa kung nasa abroad na sa OZ ano ano mga magagandang bagay na naeexperience...paano way nang life, transpo, mga tao, chicks, este society, at kung ano ano pa...

    sorry ambabaw lang...pero mahilig ako magvisualize sa utak e...haha

    I haven't lost everything except my mind...

  • vhoythoyvhoythoy Melbourne
    Posts: 1,550Member, Moderator
    Joined: Oct 31, 2012
    May photo section dito ung taste of australia kaso wala pang ngpopost

    ANZSCO 221214 - Internal Auditor
    19 Jan 13 - Academic IELTS Results - passed
    12 July 13 - Vetassess Assessment + Point Test Advice: Positive
    03 Nov 13 - Invitation Accepted 70 points
    19 Dec 13 - Lodged Visa 189
    07 Feb 14 - Visa Granted
    04 Aug 14 - Initial Entry Date requirement
    26 July 14 - Actual IED to Melbourne
    May 2015 - Big Move
    June 2015 - Got a permanent role in Melbourne
    Apr 2016 - Got a contract consultancy role in Melbourne
    May 2016 - Got permanent role and moved to Toowooba, Queensland

    And now...... living the life that i have imagined

    "A great photograph is one that fully expresses what one feels, in the deepest sense, about what is being photographed" - Ansel Adams

  • thegreatiam15thegreatiam15 Sydney
    Posts: 799Member
    Joined: Jan 07, 2014
    May photo section dito ung taste of australia kaso wala pang ngpopost
    aw...yun lang...anyways peace sa lahat at nawa'y lahat tayo maging successful sa mga kanya kanya nating endeavours...: )

    isa lang masasabi ko sa lahat nang nagaabroad at naaapprove ang visa nila, napakaraming pinoy ang gusto makaalis satin at isa kayo sa pinakamapalad...kung may pagkakataong makaalis kayo sa magulong sistema natin no matter na sabihin ninyo na matutong lumingon sa pinanggalingan less patriotic na kayo kasi hindi kayang iprovide nang Pinas lahat nang ano mang rason bakit kayo umalis at,..masaya ako para sa inyong lahat...kasi maaring magbukas yan sa panibagong opportunity...: )

    pag nakakakita ako nang naaaprubahan at nakakaalis wala ako ibang nararamdaman kungdi kasiyahan para sa inyo, kasi naiisip ko papalapit ako sa pangarap na yun...: )

    I haven't lost everything except my mind...

  • clickbuddy2009clickbuddy2009 Sydney
    Posts: 550Member
    Joined: Jun 07, 2012
    Makikishare lang din ng mga saloobin.

    Nung mga panahon na nagaaral pa lamang ako sa elementary at high school, sobrang tahimik at matiwasay ang pamumuhay sa probinsya. Walang kinatatakutang mga krimen, masaya ang buhay kahit na walang mga mamahaling gadgets o mga laruan. May respeto sa bawat isa ang karamihan sa mga tao.

    Nung tumuntong ako sa kolehiyo, lumipat ako ng Manila. Doon ko naranasan ang pakikipagkumpitensya sa halos lahat ng bagay. Nakikipagagawan sa pagsakay ng jeepney. Nakikipagbalyahan sa pagpila sa mrt. Nakikipagpatintero sa mga snatchers at holdaper. Tipong araw-araw may nakikita kang kaguluhan sa paligid pero unti unti kang masasanay. Namumulat ka din sa gulo sa politika, mga kawalang hiyaan ng mga politiko. Pero hindi ko masyado iniinda ang mga bagay na iyon. Parte na iyon ng buhay ko, parte ng pagiging Pilipino. Laman ng mga pahayagan at telebisyon ay puro katiwalian at kalaswaan ng ibat ibang klase ng mga Pinoy. Di ko napapansin, unti unti na ako nagiging immune sa mga ito. Imposible naman sa isang pilipino na hindi maimmune sa ganitong mga kalakaran eh paglabas mo pa lang ng bahay, puro gulo na makikita mo. At paguwi mo naman, puro kalokohan ang napapanood mo sa tv. Pero hindi ito alintana ng majority sa atin. Kaya nga malakas pa rin ang loob ng mga pinoy na nasa Pilipinas ngayon ang sabihin ang mga katagang "It's more fun in the Philippines."

    Nang mabigyan ako ng pagkakataon na maranasan ang buhay dito sa SG, unti2 akong namulat sa kapangitan ng Pilipinas. Habang tumatagal, doon ko nakikita ang bulok na sistema ng halos lahat ng parte ng bansa natin. Kahit mali man ay naikukumpara ko talaga ang Pilipinas sa mga bansang napupuntahan ko. Isang halimbawa na lang ang pagpproseso ng mga dokumento sa isang government agency, alam ko malaki ang pagasa ng Pilipinas na umangat ang kalidad ng serbisyo kahit pa kulang tayo sa advance na teknolohiya. Nasa mga paguugali na lang ng mga opisyal o ng bawat pilipino ang unang dapat magbago. Isang halimbawa na lang ang embahada natin dito sa SG, naturingang nasa ibang bansa pero dala dala pa rin ang paguugali na namana nila sa sistema ng Pilipinas.

    Isa rin ako sa mga taong itinuturing na "Home" ang SG. At kapag nabibigyan ng pagkakataon na makapagbakasyon sa PH ay parang isang normal din na turista sa ibang bansa na sobrang amazed na amazed sa mga nakikita sa paligid. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na "I will definitely come back here again and spend my hard-earned money." Ang Pilipinas para sa akin ay parang isang foreign nation na magandang pasyalan, magandang puntahan kung ikaw ay mahilig magshopping at magikot sa ipinagmamalaki nating mga tourist spots. Paraiso ito para sa akin tuwing umuuwi ako para magbakasyon. Kahit papaano ay dito ko mas nararamdaman ang kalma ng kalooban. Malayo sa mabilis na buhay sa SG, malayo sa stressful life sa trabaho. Pero panandalian lang ang nararamdaman kong ito dahil kapag paubos na naman ang baong pera ay kelangan n namang bumalik sa SG para magtrabaho.

    Hindi ko naman nilalait ang Pilipinas, dahil wala syang kasalanan sa mga pangyayaring ito. Ang hindi ko lang gusto ay ang paguugali ng mga tao na sumisira ng imahe ng bansa natin. Mahal ko ang Pilipinas, at kahit saan ako magpunta, dko makakalimutan ito.

    Balik tayo sa kasabihang "It's more fun in the Philippines." Sa wari ko, applicable lang ito sa mga bakasyonistang madaming baong pera pangwaldas sa bansa natin. Aminin man natin sa hindi, napakaganda talaga ng bansa natin. Walang sinabi ang Singapore sa ganda ng Pilipinas kahit sabihin pang ang layo ng agwat nila sa isat isa pagdating sa advancement in technology. Pero kung sasabihing sa Pilipinas ako mamumuhay at magttrabaho, hhmmm... Di muna cguro sa ngayon. Mahal ko pa ang buhay ko at gusto ko pa maranasang mamuhay ng matiwasay....dito sa malayong lugar. Ayoko ibuwis ang buhay ko araw2 sa pakikipagpatintero sa mga kawatan sa bansa natin.

    Base sa title ng thread na ito na "No turning back," hhmmm.. Dko pa rin masasabi sa ngayon yan. Dahil nasa isip ko pa rin na sa pinas ako magrretire at igugol ang natitirang mga araw dito sa mundo. Sa ngayon, hindi sarili ko ang iniisip ko kundi ang kapakanan ng pamilya ko lalong lalo na ang anak ko. Kung mayaman lang ako, dko nanaising umalis ng Pilipinas. Ngunit ako'y dukha lamang na nangangarap makatikim ng kaginhawaan sa ibang bansa kasama ng mga mahal ko sa buhay.

    Nominated Occupation - (312211)

    01 July 2013 - Vetassess assessment Online
    02 July 2013 - Documents sent thru SingPost
    09 July 2013 - Initial documents received by Vetassess
    27 July 2013 - IELTS (General) IDP Singapore
    09 Oct 2013 - Skills Assessment Outcome: POSITIVE
    - Qualifications: Comparable to AU Bachelor Degree
    29 Oct 2013 - Lodged EOI / v190 SS WA
    30 Oct 2013 - Initial Contact
    31 Oct 2013 - Invited to apply ss (WA)
    05 Nov 2013 - Submitted SS application
    10 Dec 2013 - Received SS approval
    10 Dec 2013 - Received invitation to lodge 190 visa
    24 Dec 2013 - Lodged Visa 190
    07 Jan 2014 - Applied SG PCoC (Releasing- 28Jan '14)
    20 Jan 2014 - Medicals @ St. Lukes BGC
    24 Jan 2014 - Uploaded NBI Clearance
    - Medicals cleared for me and baby (Pending Wife's health check up's results)
    28 Jan 2014 - SG PCoC Uploaded
    06 Feb 2014 - Wife's medical cleared
    21 Feb 2014 - VISA GRANTED - DIRECT GRANT (GSM Brisbane Team 34)
    20 Jan 2015 - IED Requirement
    Mar 2014 - Arrived in Perth WA

    "While I'm waiting I will serve You
    While I'm waiting I will worship
    While I'm waiting I will not faint
    I'll be running the race even while I wait"

    Nice one @clickbuddy2009! :)
    I can definitely relate, laking probinsya din ako :)

    Mabuhay ang Pilipinas :)

    9 January 2013 Received Favorable Response from EA
    18 January 2013 Lodged EOI Application via SkillSelect
    21 January 2013 Received Invitation to Apply for Visa Subclass 189
    26 January 2013 Lodged Visa Application
    18 March 2013 CO Allocated, Team 34 Brisbane
    14 May 2013 Submitted Form 815
    23 May 2013 Submitted updated Form 815 with new passport details
    03 June 2013 VISA Grant! Thank you Jesus :)

  • chollecholle Sydney
    Posts: 403Member
    Joined: Nov 21, 2013
    Slightly related article on Rappler, America yung subject but the idea is similar to what we've been discussing here:

    http://www.rappler.com/move-ph/balikbayan/34126-to-you-future-american

    Occupation: Other Spatial Scientist (ANZSCO Code 232214)
    30 Nov 2013 - IELTS Academic R8.5 W8 L8.5 S9 / Overall 8.5
    10 Feb 2014 - Skills Assessment (VETASSESS)
    23 May 2014 - VETASSESS Outcome: Positive
    27 May 2014 - EOI (70 points)
    9 Jun 2014 - Visa invitation received, application lodged (SI189)
    2 Jul 2014 - CO allocation
    6 Aug 2014 - Visa granted (IED 4 Jul 2015)
    11 Oct 2014 - Moved to Sydney
    20 Oct 2014 - Job offer
    29 Oct 2014 - Start of work
    17-26 Dec 2014 - Dog at Sydney quarantine
    24 Dec 2014 - Partner's initial entry (Maligayang Pasko!)
    16 May 2017 - Purchase first property
    17 Oct 2018 - Citizenship application lodged (Council: City of Sydney)
    8 Jul 2019: Test invite
    20 Aug 2019: Test: (originally 20/9/19)
    21 Aug 2019: Citizenship Approved
    31 October 2019: Citizenship Ceremony 🇦🇺

  • peach17peach17 Los Angeles
    Posts: 1,684Member
    Joined: Jan 13, 2013
    thanks for sharing @cholle :)

    9 January 2013 Received Favorable Response from EA
    18 January 2013 Lodged EOI Application via SkillSelect
    21 January 2013 Received Invitation to Apply for Visa Subclass 189
    26 January 2013 Lodged Visa Application
    18 March 2013 CO Allocated, Team 34 Brisbane
    14 May 2013 Submitted Form 815
    23 May 2013 Submitted updated Form 815 with new passport details
    03 June 2013 VISA Grant! Thank you Jesus :)

  • thegreatiam15thegreatiam15 Sydney
    Posts: 799Member
    Joined: Jan 07, 2014
    Slightly related article on Rappler, America yung subject but the idea is similar to what we've been discussing here:

    http://www.rappler.com/move-ph/balikbayan/34126-to-you-future-american
    salamats... i think i already read this 1 month ago...: ) thru facebook links hehe

    I haven't lost everything except my mind...

  • thegreatiam15thegreatiam15 Sydney
    Posts: 799Member
    Joined: Jan 07, 2014
    this article is purely for individuals who are single lol no pun intended, karamihan kasi dito may family and concern lang namin is to be with them at maisama mga asawat anak namen. along with the better life that awaits us down under...di naman siguro pupunta ang mga tao sa AUS at iiwanan pinas kungdi maganda diba?...

    kung d maganda aus hindi na pupunta tao...

    I haven't lost everything except my mind...

  • chollecholle Sydney
    Posts: 403Member
    Joined: Nov 21, 2013
    @thegreatiam15 Yup, medyo pang-single o kaya dun sa mga OFW na mag-isang umalis tapos kumakayod para sa pamilya. Although actually mukhang yung writer is single lang talaga, i.e. walang kelangan i-support sa Pinas, but I think she wrote the article such that marami pa rin makaka-relate lalo na dun sa feeling of anxiety and uncertainty sa umpisa ng proseso ng pag-migrate.

    Nagandahan lang ako dun sa idea na kahit minsan malungkot talaga isipin yung sitwasyon lalo na nung iba sa atin na nangibang-bansa, hindi ka mag-isa na nakakaramdam niyan at maraming nakakaintindi.

    Occupation: Other Spatial Scientist (ANZSCO Code 232214)
    30 Nov 2013 - IELTS Academic R8.5 W8 L8.5 S9 / Overall 8.5
    10 Feb 2014 - Skills Assessment (VETASSESS)
    23 May 2014 - VETASSESS Outcome: Positive
    27 May 2014 - EOI (70 points)
    9 Jun 2014 - Visa invitation received, application lodged (SI189)
    2 Jul 2014 - CO allocation
    6 Aug 2014 - Visa granted (IED 4 Jul 2015)
    11 Oct 2014 - Moved to Sydney
    20 Oct 2014 - Job offer
    29 Oct 2014 - Start of work
    17-26 Dec 2014 - Dog at Sydney quarantine
    24 Dec 2014 - Partner's initial entry (Maligayang Pasko!)
    16 May 2017 - Purchase first property
    17 Oct 2018 - Citizenship application lodged (Council: City of Sydney)
    8 Jul 2019: Test invite
    20 Aug 2019: Test: (originally 20/9/19)
    21 Aug 2019: Citizenship Approved
    31 October 2019: Citizenship Ceremony 🇦🇺

  • thegreatiam15thegreatiam15 Sydney
    Posts: 799Member
    Joined: Jan 07, 2014
    Pero totoo nakakarelate ako magisa kasi ako umalis papunta SG pero driven ako nang will to success kaya di ko na masyado iniisip homesickness o kahit anung bagay sa experience ko kapag malungkot ako nagpapakabusu ako sa ibang bagay...: ) or make friends

    I haven't lost everything except my mind...

  • vhoythoyvhoythoy Melbourne
    Posts: 1,550Member, Moderator
    Joined: Oct 31, 2012
    In short is pinasok mo na rin lang, panindigan mo na. Basta bottomline is maging happy tayo sa decisions natin and we enjoy the journey every step of the way. Happiness naman is a choice and in the state of mind. Also relative to each and everyone.

    For me, ang pagaabroad or pagmimigrate is hindi para sa lahat. Some find countries like Canada, US, Australia, etc., a paradise places, while others think mas masarap ng di hamak ang buhay sa pinas, lalo na dun sa nakakaangat ang pamumuhay or masaya sa simpleng bagay lang or sa mga nakasanayan na nila.

    I remember the words of admin sa kabilang forum na si Sir Louie Bautista. There is no perfect place nor perfect people , but only perfect dreams. I have lesser expectations when moving to Australia. I think there are several things na better here in SG (or maybe pinas) as compared to my next destination. But im looking forward to make a move soon. As the country accepted me and my family with open arms.

    ANZSCO 221214 - Internal Auditor
    19 Jan 13 - Academic IELTS Results - passed
    12 July 13 - Vetassess Assessment + Point Test Advice: Positive
    03 Nov 13 - Invitation Accepted 70 points
    19 Dec 13 - Lodged Visa 189
    07 Feb 14 - Visa Granted
    04 Aug 14 - Initial Entry Date requirement
    26 July 14 - Actual IED to Melbourne
    May 2015 - Big Move
    June 2015 - Got a permanent role in Melbourne
    Apr 2016 - Got a contract consultancy role in Melbourne
    May 2016 - Got permanent role and moved to Toowooba, Queensland

    And now...... living the life that i have imagined

    "A great photograph is one that fully expresses what one feels, in the deepest sense, about what is being photographed" - Ansel Adams

  • JCsantosJCsantos Sydney
    Posts: 1,416Member, Moderator
    Joined: Jan 11, 2011
    In short is pinasok mo na rin lang, panindigan mo na. Basta bottomline is maging happy tayo sa decisions natin and we enjoy the journey every step of the way.
    This, not just stand up for it embrace it with open arm para masaya ang buhay

    Google for Everything !!!

  • thegreatiam15thegreatiam15 Sydney
    Posts: 799Member
    Joined: Jan 07, 2014
    In short is pinasok mo na rin lang, panindigan mo na. Basta bottomline is maging happy tayo sa decisions natin and we enjoy the journey every step of the way. Happiness naman is a choice and in the state of mind. Also relative to each and everyone.

    For me, ang pagaabroad or pagmimigrate is hindi para sa lahat. Some find countries like Canada, US, Australia, etc., a paradise places, while others think mas masarap ng di hamak ang buhay sa pinas, lalo na dun sa nakakaangat ang pamumuhay or masaya sa simpleng bagay lang or sa mga nakasanayan na nila.

    I remember the words of admin sa kabilang forum na si Sir Louie Bautista. There is no perfect place nor perfect people , but only perfect dreams. I have lesser expectations when moving to Australia. I think there are several things na better here in SG (or maybe pinas) as compared to my next destination. But im looking forward to make a move soon. As the country accepted me and my family with open arms.
    '

    uy paps tambay ka rin pala dun sa P2C?...haha ako din e...mabait yun si kuya louie, kaso lang hindi kasi ako pinalad dun gawa nga nung nagsasarahan yung mga skills migration kaya ayun, anyway totoo agree ako dito...

    or for some yung mayayaman na sa Pinas as in super yaman...: )

    I haven't lost everything except my mind...

  • vhoythoyvhoythoy Melbourne
    Posts: 1,550Member, Moderator
    Joined: Oct 31, 2012
    edited March 2014

    Uu, tambay ako sa forums na un dati. Dun kasi sa Canada for example maganda snow sa pictures tapos parang dream come true sa bagong dating plang. pero the truth is delubyo at pahirap ang winter and snow. Tapos daming struggles ng new migrants finding work, adjusting sa new environments at overall changes sa lifestyle. Maybe, we can relate din siguro sa Australia.

    Magaling un magpayo si Kuya Louie, prangka, makakatohanan at tagos sa puso lalo na sa mga bago palang na nangangarap makapag migrate. Kumbaga para sa kanya, Canada is not everything, the lesser the expectations, the lesser the disappointments and you will be more happier. Kala ko nga nung una, dinidiscourage nya mga newbies to migrate sa Canada and go somewhere else. Pero un pala, binubukas nya lang ang mata sa realidad.

    ANZSCO 221214 - Internal Auditor
    19 Jan 13 - Academic IELTS Results - passed
    12 July 13 - Vetassess Assessment + Point Test Advice: Positive
    03 Nov 13 - Invitation Accepted 70 points
    19 Dec 13 - Lodged Visa 189
    07 Feb 14 - Visa Granted
    04 Aug 14 - Initial Entry Date requirement
    26 July 14 - Actual IED to Melbourne
    May 2015 - Big Move
    June 2015 - Got a permanent role in Melbourne
    Apr 2016 - Got a contract consultancy role in Melbourne
    May 2016 - Got permanent role and moved to Toowooba, Queensland

    And now...... living the life that i have imagined

    "A great photograph is one that fully expresses what one feels, in the deepest sense, about what is being photographed" - Ansel Adams

  • clickbuddy2009clickbuddy2009 Sydney
    Posts: 550Member
    Joined: Jun 07, 2012
    Medyo scary ngayon ang nangyayari dito sa Australia. Madaming companies ang nagsasara. Even yung boss ko dito sa Perth office namin nabanggit sakin na di rin nila iniexpect yung numbers ng applicants na nagapply sa job posting nila dito. Dati raw kasi wala halos nagssubmit ng applications pero ngayon makikita daw talaga yung numbers ng unemployed. Sana lang talaga gumanda na ulit ang takbo ng ekonomiya dito at bumalik ang sigla sa employment rate. Medyo slightly kinakabahan din kami magfinal move dito although we don't lose hope pa rin naman.

    Medyo nagaadjust pa rin ako sa buhay dito sa Perth. Malayong malayo ang difference nya compared sa SG. Very convenient ang transportation sa SG, though super crowded naman esp. sa city area. Dito parang ghost town ang CBD lalo na kapag weekends. Necessity talaga ang sasakyan dito kaya plano namin magstay muna near the city in our first year. Though mataas ang rental pero libre naman ang buses sa loob ng Free Transit Zone. Baka maiyak kami sa lungkot kapag sa suburb kaagad kami tumira lalo na wala pang sariling sasakyan.

    Good luck sa ating lahat.

    Nominated Occupation - (312211)

    01 July 2013 - Vetassess assessment Online
    02 July 2013 - Documents sent thru SingPost
    09 July 2013 - Initial documents received by Vetassess
    27 July 2013 - IELTS (General) IDP Singapore
    09 Oct 2013 - Skills Assessment Outcome: POSITIVE
    - Qualifications: Comparable to AU Bachelor Degree
    29 Oct 2013 - Lodged EOI / v190 SS WA
    30 Oct 2013 - Initial Contact
    31 Oct 2013 - Invited to apply ss (WA)
    05 Nov 2013 - Submitted SS application
    10 Dec 2013 - Received SS approval
    10 Dec 2013 - Received invitation to lodge 190 visa
    24 Dec 2013 - Lodged Visa 190
    07 Jan 2014 - Applied SG PCoC (Releasing- 28Jan '14)
    20 Jan 2014 - Medicals @ St. Lukes BGC
    24 Jan 2014 - Uploaded NBI Clearance
    - Medicals cleared for me and baby (Pending Wife's health check up's results)
    28 Jan 2014 - SG PCoC Uploaded
    06 Feb 2014 - Wife's medical cleared
    21 Feb 2014 - VISA GRANTED - DIRECT GRANT (GSM Brisbane Team 34)
    20 Jan 2015 - IED Requirement
    Mar 2014 - Arrived in Perth WA

    "While I'm waiting I will serve You
    While I'm waiting I will worship
    While I'm waiting I will not faint
    I'll be running the race even while I wait"

  • vhoythoyvhoythoy Melbourne
    Posts: 1,550Member, Moderator
    Joined: Oct 31, 2012
    edited March 2014
    Dito sa singapore as if nasa loob ka lang tlaga ng city nakatira, ung feel at atmosphere. Ang daming malls, tsaka ung gimik at happenings halos magdamagan parang pinas. Naalala ko nga tinirhan ko dati sa cantonment, few bus stops sa vivo city tapos sa gabi ang daming bars na hanggang umaga na walking distance lang wahahaha. Transportation wise, very few can beat sg tlaga lalo na sa commuting public. Sobrang convinient sa halos lahat ng bagay. And they still hve plans to keep improving it.

    Ganyan din plano ko, ung malapit sa city or cbd. Di pa ako marunong mag drive din and baka malungkot din ako pag sobrang suburb matirhan namin kasi di ko talaga naransan mamuhay sa province talaga.

    ANZSCO 221214 - Internal Auditor
    19 Jan 13 - Academic IELTS Results - passed
    12 July 13 - Vetassess Assessment + Point Test Advice: Positive
    03 Nov 13 - Invitation Accepted 70 points
    19 Dec 13 - Lodged Visa 189
    07 Feb 14 - Visa Granted
    04 Aug 14 - Initial Entry Date requirement
    26 July 14 - Actual IED to Melbourne
    May 2015 - Big Move
    June 2015 - Got a permanent role in Melbourne
    Apr 2016 - Got a contract consultancy role in Melbourne
    May 2016 - Got permanent role and moved to Toowooba, Queensland

    And now...... living the life that i have imagined

    "A great photograph is one that fully expresses what one feels, in the deepest sense, about what is being photographed" - Ansel Adams

  • clickbuddy2009clickbuddy2009 Sydney
    Posts: 550Member
    Joined: Jun 07, 2012
    @vhoythoy, nakakarelate ako dito sa statement mo, "Dun kasi sa Canada for example maganda snow sa pictures tapos parang dream come true sa bagong dating plang. pero the truth is delubyo at pahirap ang winter and snow."

    Pangarap ko din nung una ang makapaglaro sa snow. Pero ngayong nararamdaman ko na ang lamig dito sa AU, parang mas namimiss ko pa rin ang klima sa SG at PH. Limited nal ang ang pwede mo gawin sa labas kapag taglamig na, wala pa snow dito ha how much more kung sa mga bansang umuulan ng niyebe. In SG and PH, you can play outdoor all year round, pero dito ilang buwan mo lang maeenjoy yan. Pagpasok ng taglamig beginning end March to I think up to September, ayun medyo limited na ang pwede mong gawin. Kami ngayon kahit nasa loob ng bahay, parang ayaw kumilos or bumangon sa higaan dahil sobrang lamig na. Anyway, cguro masasanay din kami since going 4months pa lang kami dito.

    Nominated Occupation - (312211)

    01 July 2013 - Vetassess assessment Online
    02 July 2013 - Documents sent thru SingPost
    09 July 2013 - Initial documents received by Vetassess
    27 July 2013 - IELTS (General) IDP Singapore
    09 Oct 2013 - Skills Assessment Outcome: POSITIVE
    - Qualifications: Comparable to AU Bachelor Degree
    29 Oct 2013 - Lodged EOI / v190 SS WA
    30 Oct 2013 - Initial Contact
    31 Oct 2013 - Invited to apply ss (WA)
    05 Nov 2013 - Submitted SS application
    10 Dec 2013 - Received SS approval
    10 Dec 2013 - Received invitation to lodge 190 visa
    24 Dec 2013 - Lodged Visa 190
    07 Jan 2014 - Applied SG PCoC (Releasing- 28Jan '14)
    20 Jan 2014 - Medicals @ St. Lukes BGC
    24 Jan 2014 - Uploaded NBI Clearance
    - Medicals cleared for me and baby (Pending Wife's health check up's results)
    28 Jan 2014 - SG PCoC Uploaded
    06 Feb 2014 - Wife's medical cleared
    21 Feb 2014 - VISA GRANTED - DIRECT GRANT (GSM Brisbane Team 34)
    20 Jan 2015 - IED Requirement
    Mar 2014 - Arrived in Perth WA

    "While I'm waiting I will serve You
    While I'm waiting I will worship
    While I'm waiting I will not faint
    I'll be running the race even while I wait"

Sign In or Register to comment.
LATEST 10 ACTIVE DISCUSSION THREAD
angel_iq4

VAINGLORY

most recent by Carll932

angel_iq4

Good game app

most recent by Carll932

angel_iq4

Accountant

most recent by oink2_11

angel_iq4

Welcome to Pinoy AU Community!

The longest running Pinoy-Australian Forum site in the history. We are connecting Pinoys "in" and "to" Australia since 2010! If you want to join in, click one of these buttons!

Categories

Random Members
(55358)

SseijiinsomniacsJohn9greenrachxwinkwink18jjeedennisgdelosreyescheapticketsonlinemc28hammerrk04xyakobenchphbethencinaresgummieeeFilMechaizonicrainarchieavakadabrasar2013minkallego
Browse Members

Members Online (7) + Guest (106)

Zionfruitsaladgraziecharliemmdzjudithestevarvee011NicoTheDoggo

Top Active Contributors

Top Posters