Ad space available
reach us at [email protected].
Major update has been completed. Please help to report any abnormality that you are facing (in case there is any) to [email protected] . Thank you for your continued support guys!

How many weeks before a 457 visa is released after lodging?

24

Comments

  • ricomineroricominero Perth
    Posts: 54Member
    Joined: Jan 23, 2012
    @apc Mine Production Engineer po ang work ko. di pa ko nagkapagpax-ray, pagbalik ko pa ng manila sa friday. di ko po alam kung sabay nilodge ung nomination at application.

    ANZSCO Code: 233611

    28-02-12 457 Visa Approved
    13-11-14 186 Visa Approved
    10-09-16 Citizenship Approved
    26-01-17 Citizenship Ceremony

  • Santiago_Vargas_24Santiago_Vargas_24 Melbourne
    Posts: 40Member
    Joined: Jan 26, 2012
    Hindi ko alam ang nomination na sinasabi ninyo... ang alam ko lang NAG SIGN AKO NG CONTRACT sa employer via agency, tapos yung agency ang nag lodge ng Visa Application ko sa embassy...12nd week pa ng January ni lodge yung Visa Application, 3rd week na ng February wala paring result. Ang sabi ng agency saakin, tatawagan nalang daw nila ako once dumating yung visa sa kanila. Naiinip na ako kakahintay, pero ok lang, mag sasaideline muna sa call center para huwag magutom pamilya ko.

    Alam ko pag may CONTRACT ka na, may Employer kana sa Australia hindi mo na kailangan ng NOMINATION, tama po ba?

    Naka pirma na ako ng kontrata sa Australian Employer at effective yun pag na grant yung visa ko.... kawawa naman nga yung employer ko sa Australia, baka mainip sa kakahintay, November adt year pa ako na interview doon, baka wala na silang worker papano na ang mga prjects nila at ako rin, wala nang pera, ang daming babayarang mga utang...

    Mag hihintay parin ako hanggang lastweek ng March...kapag wala pa...siguro i-pull out ko nalang yung papers ko sa embassy...sayang nung IELTS ko, sana huwag masayang yun....

    Ano kaya ang dahilan bakit umabot ganito katagal? Siguro daw madaming aplikante, baka nasa ilalim pa ang papers ko....

    Anyway, kahit ano, move on, life goes on....Sana matupad ang mga pangarap natin.... mabuhay tayong lahat!
  • Santiago_Vargas_24Santiago_Vargas_24 Melbourne
    Posts: 40Member
    Joined: Jan 26, 2012
    sabi ng agency tatawag nalang sila kapag may result na ang visa application, e hanggang ngayon wala pa tumatawag...naka 5 weeks na application ko...hintay parin ng hintay...hindi ko alam ang about sa nomination, may kontrata na kase ako sa employer at ang kontrata na yun ay kasama sa papers na sinubmit sa embassy...tama po ba ang pagkaunawa ko? na ang employment contract ay kasama sa visa application, hindi na kailangan ng nomination? walang nabangit sa aakin ang agency about the nomination....
  • ricomineroricominero Perth
    Posts: 54Member
    Joined: Jan 23, 2012
    @Santiago_Vargas_24, pwede nyo pang icheck dito yung progress ng application nyo, https://www.ecom.immi.gov.au/inquiry/query/query.do?action=eVisa, basta alam nyo lang po yung transaction reference number nyo. Sa australia po ba nilodge yung visa application nyo?


    Ang alam ko po, kelangan po approved muna yung nomination nyo or nalodge na yung nomination bago kayo magapply ng visa. siguro po, ayos na yung nomination nyo kaya pinagapply na kau ng visa.

    ANZSCO Code: 233611

    28-02-12 457 Visa Approved
    13-11-14 186 Visa Approved
    10-09-16 Citizenship Approved
    26-01-17 Citizenship Ceremony

  • jaydeetizonjaydeetizon Perth
    Posts: 75Member
    Joined: Oct 25, 2011
    @Santiago_Vargas_24 kahit nakasign ka na ng contract kailangan pa din ang nomination. ung sa mr ko, same day napprove ang nomination and visa. sure ka ba na nailodge na ang visa application mo? nakapagpamedical ka na ba? pwedeng ikaw na magcheck online ng status ng visa mo if you have the trn. agency sa pinas ba ang sinasabi mong agency?
  • apcapc Brisbane
    Posts: 147Member
    Joined: Nov 15, 2011
    @Santiago_Vargas_24 kung 457 visa ang inaplayan mo. 3 stages kasi yun. sponsorship, nomination, then visa application. Ang sponsorship at nomination sa employer side yun. Pwede ma lodge yung visa application mo at the same time maglodge sila ng nomination pero hindi pwede mag lodge ng visa application kung walang nomination nakalodge. Specific kasi yung nomination. Dapat nakalagay name mo na ikaw ang ninominate ng employer for that position. Baka nga approve na nomination since November ka pa naman na-interview. Also, hindi sa embassy mag lodge ng visa application. Ang 457 ay dun pina process sa Australia
    hindi dito sa Embassy.

    Hingi ka nalng sa agency mo ng TRN number para ma check mo online yung progress. hiningian ka na ba ng medical at health insurance certificate? Aside sa mga usual documents, kelangan din kasi yung health insurance for 457 bago nila ma grant yung visa.
  • apcapc Brisbane
    Posts: 147Member
    Joined: Nov 15, 2011
    @Santiago_Vargas_24 Tanong lang po. Yung binigay mo bang papers sa agency yung mga original mo including yung original passport? Kasi scan lang yung kelangan ibigay dahil upload lang naman yan paglodge deretso yung application sa Australia via online lodgement yan. Also hindi visa yung darating, yung approval letter lang ang darating galing Australia tapos yung passport mo at approval letter yun yung isubmit sa VIA para malagay ng embassy sa passport yung visa.

    Nag wonder kasi ako sa previous post mo na sabi mo lahat original documents ang kelangan submit. May binayad ka ba sa agency or wala? Sana wala naman.
  • apcapc Brisbane
    Posts: 147Member
    Joined: Nov 15, 2011
    @Santiago_Vargas_24 Isa rin pala nakikita ko na possible reason natagalan yung application mo. Based sa previous post mo karpentero job mo sa Australia, tama ba? pero dito sa office ka nagwork? ano nakalagay na experience sa resume mo? may experience ka ba nakalagay na related sa karpentero? kasi kung office yung experience mo dito tapos karpentero job mo dun, e-rereview yung ng maigi ng case officer dahil hindi tugma ang work experience at ang potential job mo sa Australia. Tama ba ako sa job mo dito at sa magiging job mo dun?
  • jaydeetizonjaydeetizon Perth
    Posts: 75Member
    Joined: Oct 25, 2011
    @apc hi apc. buti pinaliwanag mo mabuti kay santiago_vargas about sa 3 stages ng 457 visa. anyways, approve na ba visa mo?
  • apcapc Brisbane
    Posts: 147Member
    Joined: Nov 15, 2011
    @jaydeetizon Hindi pa na lodge 457 application namin. Kahapon ko lang na email lahat ng requirements sa migration agent so hopeully next week ma lodge na nila. Gusto kasi nila na completo na talaga lahat bago ma lodge. kahit yung insurance certificate pinakuha na kami para completo na talaga lahat. Yung IELTS lang hindi na ako kumuha kasi pwede naman daw yung CEMI kaya lang discretion pa din ng CO kung hingi pa sya ng IELTS. Saka na lang daw yun kung hihingi talaga yung CO kasi may hindi naman hinahanapan ng IELTS kagaya nyo hindi naman kayo pinag IELTS. Hintay nalang kami ng email ng agent kung ma lodge na niya. Direct hire kasi kami hindi na dumaan ng agency dito.
  • Santiago_Vargas_24Santiago_Vargas_24 Melbourne
    Posts: 40Member
    Joined: Jan 26, 2012
    Salamat sa concerns....

    Bale ganito ang nangyari, nagpa medical ako na hindi pa nailalodge yung visa application ko. Nauna ipadala ang medical ko ng two days kaysa sa visa application.

    Wala naman ako binayaran sa agency ni isang kusing...kaya ok lang, nothing to lose..yung IELTS lang nagbayad ako ng P8600 plus 2k sa one day workshop at syempre ang mga oras ng pag lakad ng papeles....

    Yung employment cert ko ay lahat related sa work ko at resume na inaplayan ko sa Australia kaya walang problema dun, kahit tawagan pa nila ang mga refeerence persons doon...

    Ngayon nagco-call center muna ako, wala kase trabaho sa karpentero at glazier, walang kontrata ngayon, meron man maliliit hindi ko tinanggap...sayang ng oras... wala na rin akong pera kaya nag sideline sa call center mabuti natanggap naman ako dito sa Makati...(baka may magpapagawa dyan sainyo ng carpenter works at glazier within Metro Manila area, tumatanggap ako ng all kinds of cabinets, windows, built-in bedroom closets or wardrobes. Gumagawa rin ako ng tile floorings at swimming pools, bathtubs at CR tile floorings etc...wala na kase ako pera, ang dami kong binabayaran)

    Lahat ng original pepers ko passport at yung original and only certificate ng IELTS ay nasa agency...

    Tanong lang, 5th week na ngyon mula nung ni lodge yung application ko ayon sa agency, kung denied ba yun, mas maaga malalaman? or mas maaga malalaman kung approved? alin ba ang mas madali malaman ang result, denied or approved and granted? Thanks...

    As far as I am concern, sponsored ako ng employer, kaya nga po nag pirma na ako ng Employment Contract sa Australian employer... ano po ba ang ibig sabihin ng nomination?

    Try ko hingiin sa agency ang TRN number para din ma follow up ko online yung progress ng application..
    Thanks po sainyo lahat...





  • Santiago_Vargas_24Santiago_Vargas_24 Melbourne
    Posts: 40Member
    Joined: Jan 26, 2012
    edited February 2012
    Tumawag ako sa agency, pinadala nga daw nila sa Australia via Online yung application ko at nag hihintay din daw sila ng result wala pa daw hanggang ngayon...yung stamping daw ng passport ay dito na kapag may letter from Australia na approve.. yun ang pagkaka sabi nila saakin so far...

    Wait nalang tayo, sana hindi masayang lahat na pinag hirapan ko para dito at matupad ang mga pangarap natin...salamat ng madami..
  • Santiago_Vargas_24Santiago_Vargas_24 Melbourne
    Posts: 40Member
    Joined: Jan 26, 2012
    Nag research ako, yun naman pala, yung high risk countries including Philippines ay 2 months bago ma grant...yun ang nakita ko sa research. Pero yung average daw ay 6-12 weeks.. mejo maaga pa naman kung ito ang babasehan.. mag hintay nalang tsyo. thanks ulit...
  • apcapc Brisbane
    Posts: 147Member
    Joined: Nov 15, 2011
    @Santiago_Vargas_24 hindi talaga natin masabi ang timeline kasi ibat-iba talaga ang timeline kahit same visa ang inaplayan. Hintay hintayin mo nalang. Ayaw ba talaga bigay ng agency ang TRN? By the way, pag approve na visa mo huwag mo kalimutan kunin yung original papers mo sa agency baka mawala pa nila yun. Nakakapagod pa naman maglakad ng papers. Kelangan mo yung mga papaers na yun kung nasa Oz kana at mag apply ka ng PR.

    Married ka ba? Sinama na ba nila family mo sa visa application mo? Sana ma approve na sayo this feb. Balitaan mo kami pag approve na.
  • apcapc Brisbane
    Posts: 147Member
    Joined: Nov 15, 2011
    @jaydeetizon Hi! nung nag process ba kayo ng OEC sa poea, yung contract na dala nyo ay pina notarize ba sa Australia or dito sa Pinas?
  • Santiago_Vargas_24Santiago_Vargas_24 Melbourne
    Posts: 40Member
    Joined: Jan 26, 2012
    Oo naman po, kukunin ko yung mga original documents ko sa agency, wala na ako ng iba noon at ang hirap maglakad ng mga papeles na yun. NSO, NBI, IELTS etc....

    Usapan namin ng employer sa interview ay kukunin ang family ko after two years. Yun ang malinaw na usapan namin sa interview after two years pa at aaply din daw ako ng PR dun....

    Sana matupad lahat ng ito...

    Oo merried ako at manganganak yung asawa ko this March, baka nga hindi ko muna makita anak kong panganay kase baka makaalis na ako.. pero kung hindi pa ok lang naman para masamahan ko asawa ko sa kanyang pag panganak sa panganay namin...

    Pero napag usapan na namin yun na baka matuloy ako umalis bago siya manganak, ok lang naman saamin pareho. Magkikita din kami kapag umuwi ako sa Pinas o punta sila sa Australia.... Godbless po, sana matupad ang lahat. babalitaan ko nalang kayo...
  • jaydeetizonjaydeetizon Perth
    Posts: 75Member
    Joined: Oct 25, 2011
    @apc Hindi na pinanotarize ung contract, wla nman din nakasulat dun sa requirements ng POEA na dapat notarize or consularize. pro may ibibigay pa na form sa iyo sa POEA na dapat papirmahan sa employer na Compliance form, according to them, terms na hindi nakaspecify sa contract un. if gusto mo matapos ng 1 day lang sa POEA, pascan and send mo agad un and pabalik mo gad sa employer mo, thru email lang. kapag nabalik mo un sa POEA, sched ka na nla ng PDOS. sa ibang araw ka pa nla pabalikin pra sa seminar. pro ung mr ko dahil nagmamadali na kmi, nagexam na lang pra makuha nya same day ung OEC.
  • apcapc Brisbane
    Posts: 147Member
    Joined: Nov 15, 2011
    @jaydeetizon Okay. Thanks. Yung binibigay yata na form ng poea ay kung walang repatriation clause yung contract. Nag email ako sa employer humihingi ng bagong contract na patterned dun sa standard contract ng poea. Binigay ko na lang yung sample na makikita sa poea website para may guide sila. Ewan ko ba bakit pinapalagay pa yang repat clause na employer ang gagastos ng repatriation ng mortal remians. Eh, dun naman sa health insurance na required ng DIAC ay standard yun na may repatriation clause na ang insurance ang sasagot ng repatriation. Hindi yata alam ng poea na requirement sa 457 ang health insurance from Australia.
  • jaydeetizonjaydeetizon Perth
    Posts: 75Member
    Joined: Oct 25, 2011
    @apc ang totoo nyan, hindi nila binabasa ung contract. nagmamagaling lang sila pra kunwari mahigpit at para sa kapakanan nyong mga OFW ung ginagawa nila. pro ang habol nila eh pagastusin lang ung tao dahil alam nila dollars ang kikitain.
  • TotoyOZresidentTotoyOZresident Posts: 1,327Member, Moderator
    Joined: Jun 28, 2011
    @apc ang totoo nyan, hindi nila binabasa ung contract. nagmamagaling lang sila pra kunwari mahigpit at para sa kapakanan nyong mga OFW ung ginagawa nila. pro ang habol nila eh pagastusin lang ung tao dahil alam nila dollars ang kikitain.
    Are you 100% sure. Your so negative pards.... kung yan ang sistema ng gobyerno para maka punta ng abroad as legal OFW dapat sundin ng maayus.

    cheers

    Quotes:
    "Wise men learn from their mistakes, but wiser men learn from the mistakes of others."
    'Success is when you finished what you have started."

    If you’re looking for Church in Canberra ACT Australia and you want to fellowship with Christian Filipino Australian.
    Come and join us in Jesus Is Lord Church Canberra service every Sunday at 10:30AM to 12:30PM
    Where: 53 Georgina Crescent, Kaleen ACT 2617
    (Back of Kaleen Shopping Centre)
    For more information, please PM me or visit

    http://jilcanberra.org.au

    "To God be the glory"

  • jaydeetizonjaydeetizon Perth
    Posts: 75Member
    Joined: Oct 25, 2011
    @TotoyOZresident im not being so negative. i based it on our experience. all that was written on that compliance form was already stated on my husbands contract. so i did not see the point of having it signed by the employer. when we submitted the signed compliance form, they didnt even check if that was really the employer who signed in the contract. i know because the one who signed on that form was not the one who signed the contract. see how stupid they were.
  • jaydeetizonjaydeetizon Perth
    Posts: 75Member
    Joined: Oct 25, 2011
    @TotoyOZresident and so we complied with POEA's requirement, then when we are paying for the OEC, we informed the cashier that we recently just paid the philhealth so there is no need to pay it again. But he insisted that we have to pay it or else he will not issue an OEC. Now tell me that i am just negative.
  • TotoyOZresidentTotoyOZresident Posts: 1,327Member, Moderator
    Joined: Jun 28, 2011
    @TotoyOZresident im not being so negative. i based it on our experience. all that was written on that compliance form was already stated on my husbands contract. so i did not see the point of having it signed by the employer. when we submitted the signed compliance form, they didnt even check if that was really the employer who signed in the contract. i know because the one who signed on that form was not the one who signed the contract. see how stupid they were.
    pareho may mali yung nag submit at yung nag check. LOL

    Quotes:
    "Wise men learn from their mistakes, but wiser men learn from the mistakes of others."
    'Success is when you finished what you have started."

    If you’re looking for Church in Canberra ACT Australia and you want to fellowship with Christian Filipino Australian.
    Come and join us in Jesus Is Lord Church Canberra service every Sunday at 10:30AM to 12:30PM
    Where: 53 Georgina Crescent, Kaleen ACT 2617
    (Back of Kaleen Shopping Centre)
    For more information, please PM me or visit

    http://jilcanberra.org.au

    "To God be the glory"

  • apcapc Brisbane
    Posts: 147Member
    Joined: Nov 15, 2011
    @jaydeetizon thanks for sharing your experience. Ayaw ko kasi ma hassle yung employer ko at baka mag back-out kaya nagtatanong na ako ano dapat expect dun sa pag process ng poea para hindi na pabalikbalik mag pasign sa employer.
  • jaydeetizonjaydeetizon Perth
    Posts: 75Member
    Joined: Oct 25, 2011
    @TotoyOZresident ano naman ang mali ng nagsubmit? dahil sa iba ang pumirma? eh sa busy na tao ung employer, hindi nya trabaho ang umupo at maghintay lang ng papipirma sa kanya, ang point dun dapay verify nila against sa contract kung un din ba ang pumirma sa compliance. kung talagang dapat employer ang pipirma hindi dapat kami binigyan ng OEC.
  • jaydeetizonjaydeetizon Perth
    Posts: 75Member
    Joined: Oct 25, 2011
    @apc hassle talaga ung kung ano ano pa hihingin, baka magbago pa isip ng employer sayang naman ang opportunity. so good luck and hopefully sandali na lang paghihintay nyo.
  • TotoyOZresidentTotoyOZresident Posts: 1,327Member, Moderator
    Joined: Jun 28, 2011
    @TotoyOZresident ano naman ang mali ng nagsubmit? dahil sa iba ang pumirma? eh sa busy na tao ung employer, hindi nya trabaho ang umupo at maghintay lang ng papipirma sa kanya, ang point dun dapay verify nila against sa contract kung un din ba ang pumirma sa compliance. kung talagang dapat employer ang pipirma hindi dapat kami binigyan ng OEC.
    Yung tinutukoy mo ba eh yung form na dapat papirmahin sa employer. Baka natakot lang kayo na papirmahan sa employer LOL.

    ang ginawa ko lang naman dun eh ini-scan ko save as jpeg.. then i send to my employer. yun kasi ang advise sa akin ng POEA sabi daw puede daw ganun. Sabi ko sa employer ko important documents yun na kailangan pirmahan. Then kinabukasan natangap ko sa email ko. Ang importante kasi nalaman ng employer na may ganun sistema sa atin. Di lang naman pilipinas ang may ganun sistema maski sa ibang bansa.

    Ang mahirap kasi kung makaka lusot ay lusot. Ang mahirap nito nakalusot na nga sisihin pa ang iba LOL.

    Quotes:
    "Wise men learn from their mistakes, but wiser men learn from the mistakes of others."
    'Success is when you finished what you have started."

    If you’re looking for Church in Canberra ACT Australia and you want to fellowship with Christian Filipino Australian.
    Come and join us in Jesus Is Lord Church Canberra service every Sunday at 10:30AM to 12:30PM
    Where: 53 Georgina Crescent, Kaleen ACT 2617
    (Back of Kaleen Shopping Centre)
    For more information, please PM me or visit

    http://jilcanberra.org.au

    "To God be the glory"

  • TotoyOZresidentTotoyOZresident Posts: 1,327Member, Moderator
    Joined: Jun 28, 2011
    @apc hassle talaga ung kung ano ano pa hihingin, baka magbago pa isip ng employer sayang naman ang opportunity. so good luck and hopefully sandali na lang paghihintay nyo.
    Kung ganun talaga ang sistema ng gobyerno anu magagawa mo eh sundin ng maayus.

    Wala naman employer na magbabago ang isip kung ganun lang naman ang requirements
    pirma sa form at yung authenticated contract. Medyo hassle lang talaga yung courier dun lang matatagalan at minsan busy din ang admin officer. Anyway gagawin naman nila yun eh to authenticate the contract.

    At isa pa kung magbabago man ang isip nila eh di sana inform ka nila agad bago ka pa lang magapply ng visa.

    Ang pag sponsor ng overseas worker ay di ganun kadali itoy may 3-step application process.

    Step 1 - Employer Applies to be a Sponsor
    Step 2 - Employer Nominates a Position
    Step 3 - Employee Applies for a Visa

    Sa Step 1 pa lang ang dami ng requirements ang kailangan i submit ng employer para ma- qualified to sponsor an overseas worker kaya kapag nakapag apply ng 457 visa means tuloy na tuloy na yun.

    Take it easy.. cool lang jaydeetizon. cheers

    Quotes:
    "Wise men learn from their mistakes, but wiser men learn from the mistakes of others."
    'Success is when you finished what you have started."

    If you’re looking for Church in Canberra ACT Australia and you want to fellowship with Christian Filipino Australian.
    Come and join us in Jesus Is Lord Church Canberra service every Sunday at 10:30AM to 12:30PM
    Where: 53 Georgina Crescent, Kaleen ACT 2617
    (Back of Kaleen Shopping Centre)
    For more information, please PM me or visit

    http://jilcanberra.org.au

    "To God be the glory"

  • jaydeetizonjaydeetizon Perth
    Posts: 75Member
    Joined: Oct 25, 2011
    edited February 2012
  • jaydeetizonjaydeetizon Perth
    Posts: 75Member
    Joined: Oct 25, 2011
    edited February 2012
Sign In or Register to comment.
LATEST 10 ACTIVE DISCUSSION THREAD

Welcome to Pinoy AU Community!

The longest running Pinoy-Australian Forum site in the history. We are connecting Pinoys "in" and "to" Australia since 2010! If you want to join in, click one of these buttons!

Categories

Random Members
(55232)

yssajennawakedupannejuansoriapasagueLhexleenph52belle25Simoneahpplicantebentassassin30jom20harveyhannuki15yanyaniiiejesslovesyouKourtneyChillbot00cervantezmshanessa
Browse Members

Members Online (5) + Guest (142)

fruitsaladmathilde9uoieaeamnaksuyaaaphoebe09_

Top Active Contributors

Top Posters